Tuesday, July 19, 2005

Pinoy/ Blonde dares to be different ???


Unitel Pictures is known for coming up with movies that go against current trends.Movies that are different.Think of Sharon Cuneta’s "Crying Ladies," Angelica Panganiban’s "Santa Santita," and Robin Padilla’s "La Visa Loca," all of them well-received. I have seen "Crying Ladies" and for me,it is really one the best Filipino movies of all time
.
And so I went to Sm Marilao yesterday to see Unitel Pictures' newest film, "Pinoy Blonde" topbilled by Epi and Boy 2 Quizon, playing two film school geeks who get entangled with the underworld."Pinoy/Blonde" is a collaboration of Peque Gallaga and Lore Reyes.I dunno but everytime the names of these directors were mentioned,what comes to mind is Shake Rattle and Roll sequels.Although I know Peque Gallaga made a film that was a hit during the 70's,I forgot the title though.

"Hindi typical Pinoy film" the blurb reads. According to an Inquirer review,the promotion has been claiming that "To say that Pinoy/Blonde is not your typical Pinoy film is an understatement", however the effect of the brocka-bernal debate on the target 14-29 demographic remains to be seen.I have to agree.
I was disappointed seeing the movie.The movie is pretentious in a lot of ways ,pilit when it comes to acting,hilaw pagdating sa script.Dont get me wrong,I have seen a lot of Filipino films who really dares to be different.And Pinoy Blonde is not one of these.
Nagconcentrate ba sila sa visuals at pagcacast ng maraming artista para bumenta? It had no script, just a bunch of quotes from hollywood movie and yung Brocka-Bernal dialogue/debate ay nakakairita,paulit ulit,nakakasawa.The only saving grace of the movie was Jaime Fabregas.And maybe the polished visuals.maganda talaga,opening pa lang,visually stimulating na.Hindi ko man lang na feel 'yung presence ni Eddie Garcia.Pilit yung pagkawitty ni Boy 2 and Ipe.Sorry this is my first film review on my blog pero sobrang mean ko.hahaha.
Once again, another all-hype pinoy movie.Maybe that's why yung ibang kasama ko sa sinehan,hindi na tinapos yung movie.I stayed and finished the movie.And yes,I wont recommend it to my friends.If they want a good sleep in the cinema,maybe.
I am glad that local producers like Unitel Pictures are actually making movies like this"who dares to be different"Well...hope they will actually make a good different movie next time.Sana kung may battlecry man na "not a typical Pinoy movie" ay makikita mo talaga pag pinanood mo yung movie.Sana hindi dinaan sa publicity.
I'm hoping.

Friday, July 15, 2005

Angel

May bagong anghel na dumating sa pamilya namin. At hindi man namin siya kadugo pero ituturing ko siya na hindi iba sa amin.Isa siyang anghel na matagal na naming hinihintay.

Matagal ng mag-asawa ang kapatid ko na si Ate Rina at bayaw ko na si Kuya Arnel. Siguro mahigit kumulang na rin silang sampung taon na nagsasama. Dalawang beses na nakunan si ate.Dalawang beses na siyang pinagkaitan ng dalawang anghel na sana'y naglalaro na dito sa bahay sa Bulacan tuwing Linggo kasama ng dalawa kong pamangkin na si Nica, Detdet at ang isip bata nilang Tito.
Nalulungkot ako pag naiisip ko ang hindi pagkakaroon ng anak ni Ate. Alam ko rin na nasasaktan ang bayaw ko kapag nakakantiyawan siya ng Kuya ko at ng isa ko pang bayaw na si Kuya Jeff ng "ang hina mo naman pare."Isa yung malaking insulto. Hindi ko rin alam kung nakakatulong ba yung mga suhestiyon namin sa kanila na magsayaw sila sa Obando at magalay ng itlog kay Sta.Clara para magkaanak.Masyado kasing mapamahiin ang pamilya ko.Maaring minsan ay naiinis na din sila dahil naprepressure sila sa amin sa pangungulit namin sa kanila ng bagong baby.
Kung ilang beses na ring komunsulta si ate sa doktor.Regular nga ang check up nya sa St . Lukes.May mga injection at gamot din na binigay sa kanya.At bukod sa kanya ginagamot din yung bayaw ko.Sabi daw ng doktor mahina ang bilang semilya nito.Kaya kailangan talaga ng effort para dito at siyempre maraming pera.Matagal na ang gamutan na ito pero hanggang ngayon wala pang resulta at naghihintay pa rin kami.
Although mga bata pa naman sila at hindi nawawalan ng pag-asa tungkol dito,madalas imungkahi ng mga kapatid ko na magampon sila para may magalaga sila sa pagtanda.Meron pa nagsabi na yun daw ang magiging dahilan na magkaroon pa sila ng maraming anak.Pero siguro out of pride, ayaw ng bayaw ko na magampon.Iba pa rin daw yung kadugo niya.Si Ate gusto niya pero dahil ayaw ng asawa, ay sunod na lang siya.

Isang kamaganak ang nagsabi sa amin na may kakilala siya na manganganak sa buwan na ito at gustong ipaampon ang ipinagbubuntis niya.Malapit lang ang bahay nito sa amin.Ilang beses na rin kasi nitong sinubukang ipalaglag yung bata.Sampu na ang kanyang anak,at panglabingisa yung dinadala nya.'Yung tipikal na kuwento ng kahirapan.Ang gusto lang daw niya ay pamasahe papuntang Visayas,pambayad sa huling upa sa bahay at pagkatapos ay lalayo na siya sa lugar namin.
Naging interesado ang nanay ko doon.Naisip nya yung kapatid kong babae na matagal na nananabik na mgakaroon ng anak.Pinasubaybayn nya yung babae,inalam yung background,at nakipagusap sa isa pang kakilala na sabihin na merong interesado magampon sa ipinagbubuntis nya.Kahit kailan hindi nakipagusap o nakipagkilala si nanay dun sa babae.Hinayaan nyang iba ang makipagusap para sa kanya.Para nga naman kung sakaling magkaroon ng bawian eh hindi malaman kung sino talaga yung nagampon.Inalam din ni nanay kung ano ba yung mga papel na dapat lakarin para sa pagaampon.Napagkasunduan na si nanay na nga ang kukuha dun sa bata.At ibibigay nga to sa kapatid kong babae.

July 11.Mismong kaarawan ni nanay,sinabi samin na naglalabor na yung babae.Pinabantayan namin yung bata at kinuha pa ng midwife.Wala pa yatang isang oras ay dinala na sya sa bahay.Naawa ako dun sa bata at naawa din ako dun sa nanay.Hindi man lang kasi nakita nung nanay kahit daliri ng anak nya.At yung tatay naman nung bata,hindi man lang sinilip yung anak nya.Ipapaampon din naman daw yung bata kaya wala na siyang pakialam.Anong klaseng magulang ba ang may ganun klaseng pagiisip?Bakit kailangan ipaampon ang bata na para lang nagpapamigay ng aso?
Naisip ko tuloy nung mga oras na yun,tama ba na ampunin namin yung bata?Pero bigla ko ring naisip na mas magiging maayos ng buhay nya sa kapatid ko.Mas matutugunan yung pangangailangan niya.Marami na kong kuwento naririnig na kuwento tungkol sa mga inaaampon at alam kong isa sa mga dahilan ay ang kahirapan ng mga magulang.sana maintindihan ito nung bata paglaki nya.
Nung makita ko ang bagong anghel na to, parang gusto kong mapaluha sa tuwa.Tinawag ko nga siyang Angel,kahit wala pang pangalan na binbigay sa kanya.Napakaganda at nakaputi ng balat ng bata.Napakasarap tignan ng maamo nyang mukha .Sobrang payapa.Kaya't nung natutulog siya wala akong ginawa kundi titigan ang mukha niya.Gusto ko siyang kargahin at yakapin pero natatakot ako dahil parang napakalambot ng buo nyang katawan .Gusto kong isipin na ako ang ama niya.Kapag umiiyak siya naaawa ako sa kanya.Iniisip ko na baka kalangan nya yung nanay nya.Sabi ko sana wag na lang syang kunin ni Ate.Sana sa akin na lang siya.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang tungkol sa pagaampon at pagkakaroon ng anak,handa na ba akong magkaroon nito?Marami sa kaedad ko at mas bata pa sa akin na may mga anak na.Pero alam kung hindi pa ako handa at iniisip ko na ayokong lumabas ang anak ko sa mundo ng hindi napaghandaan.Dahil hindi pa ko handa bilang magulang kaya't hindi ko maibibigay ng maayos yung pangagailangan niya o kaya'y humantong pa na ipaampon ko sya sa iba,na hindi ko gugustuhin na mangyari .
Para sa akin kakitiran din ang konsepto ng iba na ang pagkakaroon ng anak ay upang may mag-alaga lamang sa'yo sa pagtanda.Iyon nga ba talaga ang dahilan ng pagkakaroon nito?
Nung gabi ding iyon kinuha na ang anghel sa bahay.Parang pinahiram lang sya sa amin ng ilang oras at kinuha na sya ni Ate.Ipapaalaga daw sa pediatrician.Naiintindihan ko.Alam kong natatakot sila na baka makita pa nung Nanay dahil malapit lang dito sa bahay yung tinitirahan nito.Nalungkot ako.Kahit ilang oras ko lang binantayan ang batang ito,sobrang napalapit na siya sa akin.
Alam kong matatagalan bago kami magkitang muli pero alam kung sa mga susunod pang mga buwan,makasama ko din ang anghel na ito.May bago na naman kaming magiging kalaro ni Nica at Detdet.

Tuesday, July 12, 2005

For your Birthday

Alam kong masyado ng nagiging mabilis at kumplikado ang takbo ng buhay para sa akin. Alam kung hindi ko namamalayan na sa maraming pagkakataon ay nababalewala kita.Alam kung kulang ang pagpapasalamat o maging pagtanaw ng utang na loob.Sa dami ng sakripisyo mo,sa mga bagay na ginawa mo sa aming lima,makapagsusulat ako ng ilang aklat na naglalaman ng mga bagay-bagay na magaganda at dakila patungkol sa'yo.Para sa akin hindi ka man bayani,hindi ka man sikat pero walang papalit sa 'yo.Nagiisa ka.Kaya't sa pagkakataong ito,gusto kong malaman mo kung gaano ka kahalaga at kamahal para sa akin.

Dahil ikaw ang tanging naniniwala sa mga kakayahan ko.Lagi mong bukambibig ang pangalan ko sa mga kaibigan kahit mukha namang hindi sila interesado sa kuwento mo.Lagi mong ibinibida sa kanila na ako ay iskolar at marunong.Kahit pa nga sutil at pasaway.Pero natutuwa ako dahil proud ka sa akin.

Dahil tinitiis mo ang pagdadahilan ko na nagmamadali ako at sa office na lang ako kakain.Pero ang totoo hindi ko nagustuhan ang luto mo.Kaya nung minsan sinabi mo,hindi mo na alam kung ano ang lulutuin mo,baka hindi ko rin naman magustuhan.Alam kung nasasaktan ka dahil parang hindi ko naapreciate nag effort mo.Lagi mo ring inaalala kung masarap ba ang ulam o hindi.Matiyaga kang nagluluto.Kahit pa pintasero ako pagdating sa pagkain.Pero sana alam mo na lagi kong ipinagmamalaki sa mga kaofficemate ko na luto mo ang baon ko.

Dahil sa pagbili mo sa mga pagkaing gusto ko kapag may sakit ako.Kahit pa kung magutos ako parang may katulong ako sa bahay.Pero talagang napakasarap ng feeling na kapag may sakit ka ay may nagaalaga sayo.

Dahil pinagkakasya mo yung kakarampot na binibigay ko sa'yo pag araw ng sweldo.Kahit pa inuuna ko yung luho ko kesa makapagbigay sayo ng mas malaki.Pero yung ngiti na nakikita ko kapg nakapagbigay ako ng kahit na maliit na halaga ay nagpapamotivate sakin na magsipag sa trabaho.

Dahil matiyaga mo kong hinihintay kapag lumalabas ako sa gabi.Kahit pa lagi kong dinadahilan na lalaki naman ako at matanda na.Pero hindi ka nagsasawa na maghintay at hindi matulog malaman lang na safe ako dumating.

Dahil pinalaki mo kaming lima na may takot sa Diyos,edukado,may respeto sa kapwa,marunong tumanaw ng utang na loob at makisama sa kahit na anong uri ng tao.Kahit na ang iba sa amin ay talaga namang pasaway ang paguugali.Pero ni minsan hindi ko nakita na may paborito ka o pinapanigan sa amin kapag may nagkakamali.

Dahil nagampanan mo ng mabuti ang papel mo.Sabi nga ng matalik kong kaibigan na si Christian,sana naipapalit ang Nanay dahil kung puwedeng mamili ikaw ang pipiliin nya.Noon ko narealized kung gaano ako kapalad dahil ikaw ang pinili ng nasa itaas para maging Nanay ko.

At sa araw na ito, na alam kong napakahalaga sa'yo,binabati kita kita ng maligayang kaarawan.Nawa'y biyayaan ka pa ng mahabang buhay ng nasa Itaas.MAHAL NA MAHAL KITA NANAY.=)

Monday, July 11, 2005

Weekend in Chinatown

Buong akala ko talaga ay sa Binondo kami kakain kahapon.At naisip ko na isang Chinese restaurant ang kakainan namin.Ang alam ko lang kasing Chinatown eh yung nasa Sta Cruz Manila.Hindi pala ito ung Chinatown.Ang sinasabi pala ng kapatid ko na Chinatown ay isang buffet restaurant na nasa Banaue QC.Eat all you can ang gimik nila.At hindi lang Chinese food ang putahe, may japanese at Filipino din.Pero parang napamahal yata kami,430 per person kasi.Eh hindi naman ako kalakasang kumain.hehe.Pagkatapos ay may dalawa pa kaming batang kasama.
Pagdating namin doon ng ala una,napakarami ng tao.Parang may piyesta.Nagpareserve na kami ng isang table para sa buong pamilya.Kailangan kasi ng reservation dito dahil sobrang daming tao lalo na pag Linggo.Hindi pa nagiinit ang puwet ko ay sumugod na ko sa buffet table.Napakaraming pagkain,70 putahe ba naman.Balak kong tikman lahat.Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan nung iba nakahain sa mesa.Basta alam ko mukha silang masarap.May para sa mga carnivorous, vegetarian at para sa tulad kung kumakain ng kahit ano.Omnivorous ba tawag dun?Basta alam ko masiba ang tawa sa'kin ng kapatid ko.Minsan naman PG ang tawag nila sa kin.haha.
Takaw tingin lang talaga ako.Yung iba kasi, napakasap tignan,pero pag natikman mo wala namang lasa,maganda lang talaga ang food presentation.Halos mapuno ko ang pinggan ko pagbalik.Kalahati pa lang ng plato ang nauubos ko ay busog na ko.Balak pa naman namin magcompete ni Kuya sa pagkain.Kaya't nung tinignan ako ng kuya ko,biniro nya ko na "No sharing at no leftover" kung hindi ay doble ang babayaran namin.Sinabi kong nagpakabihasa ako sa Harvard para sa kursong dishwashing.Mabuti na lang katabi ko ang pamangkin ko na limang taon lang pero pang malaking tao na kung kumain.Kaya kahit pa no sharing ay pinaghatian naming dalawa yung kinakain ko.Sulit na sulit talaga yung binayad namin sa pagkain nya.Sa pagitan ng kainan,kuwentuhan kami na magkakapatid pati na nung dalawa kong bayaw.Ito ang bonding naming lima,ang pagkain.Dito lahat kami nagkakasundo.Si nanay kasi mahilig magluto.Pero ayaw na namin syang pagurin ngayon.Dati kasi sa Bulacan madalas magmeet ang buong pamilya.Doon na rin ang kainan, inuman at lahat lahat.
Tatlo na ang pamangkin ko at puro sila babae, si Nica, Detdet, at Nicole.Ang pinakahuli naming baby ay itong si Nicole.May balak yatang magampon yung isa kung kapatid na babae.Matagal na kasi silang walang anak nung bayaw ko.Ikukuwento ko ito sa susunod na post ko.
Pagkatapo ubusin ang pagkain sa plato,sunod naming nilantakan yung mga panghimagas marami din,may icecream,halohalo,mais con hielo,leche plan,sari saring cookies at iba pa.Kaya't busog na busog talaga ko.Sabay na kami umuwi ni Nanay,malas pa nga ang nasakyan naming FX,nakotongan na nga ng MMDA enforcer,naflatan pa ng gulong sa gitna ng North Lluzon expressway.Nakauwi kami ng bahay ng alas tres,nagpagupit muna ako at pagkatapos ay natulog na.gawain ng batugan at masisibang tulad ko ahehe.Pero iyon na yata ang huling eat all you can na kakainan ko.Marahil sa mga ispesyal na okasyon lang.Masasabi ko pa rin na hindi sya praktikal,sa hirap ng buhay ngayon.

That's how I spent an enjoyable weekend with my family.How about you?

Sunday, July 10, 2005

Umuwi ka na baby



Meg,my team mate has been looking for the title of this song and finally I got the chance to hear that song kanina sa FX on my way home from Megamall.Orange and lemons ang pangalan ng band,I haven't seen the music video yet.Natutuwa lang ako pag kinakanta to ni Meg specially yung line na "Umuwi ka na baby...".Cuteness. So I looked for the lyrics sa google kanina and hindi pala umuwi ka na baby ang title ng song gaya ng akala ko.The title is Hanggang kailan from the album Strike Whilst The Iron Is Hot.Pansin ko,madami na namang promising bands ang lumalabas.I hope one of these days mapakinggan ko lahat ng album nila this band Orange and Lemons.Masa yata ang market nila, pansinin nyo yung lyrics.


HANGGANG KAILAN
Orange and Lemons
Labis na naiinip
Nababagot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa...
Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap hanap kita...
Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng Paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi...

Di mapigilang mag-isip
O baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakaka balisa
Knock on wood wag naman sana...

Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap hanap kita...

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng Paghihirap
At tanging ikaw lang ang Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi...

[instumental...]
I went to SM Megamall kanina to use the 1000 Bench GC na nakuha ko because of commendations from some customers.At least may mga nauuto pa pala ako .I got myself one cream shirt,one polo shirt with black and white stripes,Pure play that cologne being endorsed by Xtian Baustista,one bench body brief and oil absorbent tissue.Not bad.For one thousand angdami ko nang nabili,este naipalit pala haha.Nagikot ikot pa ko sa Megamall,kaya naman nakauwi na ko ng 3pm dito sa bahay.Sobrang sakit na ng paa ko at pagod na ko pero nagawa ko pang maginternet so mga 5pm na ko nakatulog.Nagising na ko ng 1am.Hindi na ko nakapagdinner,inabot na ko ng umaga.Balak ko pa naman yayain si Bes na gumimik dahil parang nanunuyo na lalamunan ko, kailngan na yata ng alkohol kaso sobrang pagod talaga ko.At ngayon alas singko na ng madaling araw ay gising pa rin ako to think nakailangan naming umalis ni Nanay ng alas 8 dahil pupunta kami sa brother ko sa Valenzuela,doon magkikita kita ang mga magkakapamilya at magkakapuso,este ang mga kapatid ko.Birthday kasi ni Nanay sa July 11,monday so maglulunch nalang kami today sa Chinatown sa Binondo,chinese restaurant daw sabi ng sister ko.Sana lang maenjoy ko yung food nila dun,although kumakain ako ng siomai,pansit,pero ung iba kasi pagkaing Tsinoy walang appeal sakin.Pero bahala na walang chinese chinese food mamaya, sa gutom na sikmura.Aba rhyme ito.Lafang ito kung lafang.Aja.hehe.

Saturday, July 09, 2005

Waiting for a call

Since everybody here in the office seems to be engrossed in their call and i got no one to talk to (well,i am waiting for another irate caller disputing again their gaddammit bill) i took a break and think of something I can post on my blog later.I should have named my blog "a weekly update of el bulakenyo's life".obviously u can see on the entries' dates that i don't update my blog on a daily basis since i've been preoccupied with work (with work nga ba?)or busy logging z's (sleeping) on my bed.But since i am really in the blogging mood this past few days so even in the office or while on a call i will make an excuse to the customer so i can put him on hold and type something on the notepad.haha.
We have been receiving a lot of bill dispute calls these days.Just to let u know i am working as a call center rep for a utility provider client based in the US.I'm actually working in an outsourced call center located in Global City.Just imagine how stressful this job can be.You really need to make a lot of bola to convince them that they are just being billed for something they just consumed achuchuchers added with spiel galore.why can't they understand that if they are using their ACs a lot during summer time,electric consumption will also get high as well as their bill?Ano sila anak ng diyos na makakalibre sa kuryente?In this kind of job, you also have to get used to these lines you hear on almost every call "My bill is so high, I'll switch to another provider." To which my answer is "OK,go ahead Sir". Just kidding. They will usually get irate when you tell how much their bill is they'l say "Say what?There sumthin wrong with your accent.Can I speak with your supervisor." My golly its a simple billing inquiry,what the hell is that you don't understand?
Well to those who haven't try working in a call center, I gotta remind you,if you are fainthearted, sensitive,or not used of being ridiculed this is not the job for you.Only when I work here did I get to learn a lot of American cuss words.Such as @#**! .I learned a lot of these words that i often used against them if I am really pissed off.Of course i have to use the mute button for that .
A while ago I had a call,the name of the caller was Dorothy garcia and she's calling from california.She was surprised to know that she's actually talking to someone in the Philippines.I had this gut feeling that she's a kababayan right at the beginning of the call.I only confirmed that when she started speaking in Tagalog.She said,"Sabi ko na nga ba Pilipino ka?!kaya nagtataka ako,angdami dami kong nakakausap na Pilipino sa customer service nakakatuwa naman.nasa pasig ba kayo?yadayadayada"if you can hear the excitement in her voice.Meg, my team mate who is sitting beside me heard her talking ."Masyado namang madaldal yan ,"Meg said.Then i explained to her that we are not allowed to gave our location and speak in our mother tongue.Honestly,I also feel excited everytime I get the chance to talk to a Pinoy caller.Sobrang warm kasi sila pag nalamang Pilipino ang kausap nila.Siguro parang it makes them feel na napakalapit lang ng Pinas.I am looking forward of talking to a kababayan.It's actually a break from some Americans who think that all the agents they are talking to are some dumb agent from India.Well,at some instances I will be humiliated with their racist remarks.And once in a blue moon lang kasi na magkaroon ako ng caller ng Pinoy,so ang saya talaga.
Pero yung iba pa ,according to a co-agent, idedeny na Pinoy sila.Eh obvious naman sa accent.Malamag sa ngayon marami ang magdedeny na Pinoy sila.Sino nga ba naman ang magiging proud?With all the political chaos that's been on going,I dont think there's still something that should be proud of.I remember ,the other week because of the crisis that's happening on our country,I had on my wish list that i hope i will be given the chance to choose my nationality.I will never wanted to be a filipino at this point of time.Sobrang gulo,I don't wanna watch the news tuloy because mas masstress lang ako lalo.and dahil sa rally rally na yan sa edsa last night (some political groups were calling for an EDSA 3 or 4 , i dunno??) nalate tuloy ako sa work.

Anyway i better answer my call now.wish me luck,here we go again...

Tuesday, July 05, 2005

Happy 4th of July.

When it is a holiday in the US,i love to go to work.That is because holdiday means petiks or less calls for us working in call center.People in the US would think kasi na call centers are also on a holiday.Kung alam lang nila na nasa 'Pinas lang kami.Pero kung petiks ngayon the next day expected na namin na ngarag na naman kami.Pero this is it,samantalahin habang petiks.I have been workin on the layout of my blog for a couple of hours already.I think i changed my blog skin for four times already.Wala lang I was trying to achieve that clean,simple pero may dating na look so I settle for this one.Tapos,siyempre I need to recall my HTML and javascript codes pa,eh nabakasyon na yata utak ko.The last entry on my old blog was last November 2004 pa.I dunno bigla akong sinipag uli magblog ngaun.I linked some of blogs from my friends in friendster and 'yung iba jan are blogs na madalas kong binabasa although I dunno these people personally.If you guys want to be added on the list,just message me.I'll be more than happy to add u.So I will consider this one as a new blog na rin.I am happy with its look already.Pero now the big problem I am facing is what to write?ahehe.When I am not in front of my PC,I got a lot of things in mind.But the moment I open my notepad,I suddently lost all the thoughts na naiisip ko.And sometimes nagtatalo ang isip ko,will I say this or shall I keep this private?Also,I think I am not born to be a writer talaga.Pero I do appreciate all the nice blogs na nababasa ko,there are a lot of bloggers out there who can really write well.I wish I have the talent.Back to your regular programming.There's nothing new really.Everyday I go to work.Take in calls.Rendered OT sometimes.And that is because the account is giving $25 incentive to those who can complete a 10 hours of OT per week.Not bad eh?Same call center slave.No social life.No time for gimiks.The time I will have for gimiks will be spent on sleeping big time.And the only way I connect with friends is thru friendster.The internet is really a boon for us call center dummies.I even dunno how the a Television looks like nowadays.exagg.Well I am not complaining though.I choose to work in a call center so I have to suffer this lifetime.You know what,sometimes I think that you really need to sacrifice a lot of things when you are working in a call center.Less time spend with your family and friends.Specially pag may special occasion,I always reason out that that I have to work and I can't be with them na matagal.Ilang invitations na rin ang nadecline ko because of this work.However, I am really doing my best to make up with them.So hope you guys would understand if I always use my work as an excuse.Ganun talaga kailangan ko po kumayod.Mahirap na po ang buhay.Lalo pa yata akong pumapayat ngayon.I think its time for me to look for an apartment para magboard ako.Nakakapagod din yung pagbiyabiyahe ko from Bulacan to Global City.Minsan nakakatulog na ko sa FX at lumalagpas sa dapat kong babaan.I have been doing this for eight months na.Isa pa naman sa mga wishlist ko eh tumaba kahit maggain lang ng kaunting pounds.Bahala na si Batman,i still have to look for a roommate kasi I dont wanna shoulder all the expenses.
Hmmm,I wonder how my friends are? Hope u guys are enjoying your lives.Please check out my blog if u do have time.
Brace yourselves for more boring stuff to come.Till my next post...