Tuesday, May 10, 2005

another boring afternoon

Monday blues.
I received a call from my team captain asking me if I can log in early since a storm hit Texas .They are expecting that calls will surge by today.Goodluck talaga mamaya.Work na naman.Pero might as well render OT later tutal wala akong OT last week.Buti na lang I had a fantastic weekend.I went to this spa in malolos last saturday and i had a whole body massage for only 300 bucks.The place is okay.Angsarap ng feeling.Better than sex.hehe.Sobrang himbing ng tulog ko that night.Babalik talaga ko dun.Then on sunday I treated my mom sa Bacolod chix house sa SM marilao.Panalo yung chicken inasal nila dun.Yummy.


Wala na kong ibang mapost so post ko na lang tong LSS ko.

KITCHIE NADAL's- Same Ground

My love,Its been a long time since i cried
and left you out of the blue.
Its hard leaving you that way when
I never wanted to.
Self-denial is a game
Its strange i never would'vewanted if until there was you.
Because i have learned that love is beyond
what human can imagine,
the more it clears the more i have to let you go.

[Chorus:]
But now i don't understand why im feeling
so bad now when i know it was my idea.
i could've just denied the truth and lied.
but why am i the only one standing strandedon the same ground?
My love because i have learned that love is a word
gets thrown a little bit too much.
the best excuse to fill the infinite abyssi never have to if all else fail
would you be there to love me?
when all else fail, would you be brave to see right through me?

Friday, May 06, 2005

Sweet payday

Bakit kaya angsarap gumising if its the 6th or 21st of the month?Yun bang tipong I dont need to drag myself out of bed like I used to do.Yung bang tipong mapapakanta ka ng happy songsat mapapasayaw pa.Sweldo kasi.nangangamoy datung.Mayaman na naman ang mga tao.Mamantikaan na naman ang bibig ko.Pero sa totoo lang angbilis lang gastusin ng pera ngaun.Lalo pa't ikaw ang nakaassign sa utility bills nyo sa bahay.Tapos I'm planning to get a installment plan for a digicam sa officemate ko kaya goodluck talaga pag may matira pa sa akin.Anyway I dont wanna rant about money this time.Saka na lang siguro.I'll talk abou it some other time.Sunday will be mother's day.Ayan napaisip tuloy ako what should i gave to my mom.Bahala na, tutal paglabas ko later bukas na ang mall.Tapos kiss ko na lang sya.matutuwa na yun.Dont have to be expensive siguro, its the thought that counts.Kuripot ko talaga.Pero kung ako reregaluhan gusto ko mahal hehe.To all the mother reading my blog HAPPY MOTHER'S DAY.This song is for all the hot mommas out there.

A SONG FOR MAMA
Boyz II Men
You taught me everything
And everything you’ve given me
I always keep it inside
You’re the driving force in my life, yeah
There isn’t anything
Or anyone I can be
And it just wouldn’t feel right
If I didn’t have you by my side
You were there for me to love and care for me
When skies were grey
Whenever I was down
You were always there to comfort me
And no one else can be what you have been to me
You’ll always be you always will be the girl
In my life for all times
Chorus:Mama, mama you know I love you
Oh you know I love you
Mama, mama you’re the queen of my heart
Your love is like
Tears from the stars
Mama, I just want you to know
Lovin’ you is like food to my soul
You’re always down for me
Have always been around for me
even when I was bad
You showed me right from my wrong
Yes you did
And you took up for me
When everyone was downin’ me
You always did understand
You gave me strength to go on
There was so many times
Looking back when I was so afraid
And then you come to me
And say to me I can face anything
And no one else can do
What you have done for me
You’ll always be
You will always be the girl in my life
Chorus
On weekend I'm planning to have a massage or swimming cguro, sobrang stressful ng week na to esp nagchange ako ng shift.Sana tumawag si Bes para makalabas ako ng saturday night.Bes miss na kita.tagal na nating di nagkikita.So magreresign k na pala,I know there are greater things ahead of u.Kaw pa,sobrang smart mo.Hope u got my message.Tawag ka sa bahay ha?Hindi ko na matake ang init dito sa bahay.Kaw ba naman tumia sa kabukiran ng Bulacan.Kaya kahit tinatamad ako pumasok pasok na lang ng maaga para matulog sa office.And for that post ko lang muna to tapos layas na ko.Happy weekend friendster peeps!=)

Monday, May 02, 2005

Fabulous Team building



Just came home from our team building activity which was held at Linden Suites in Ortigas.I'm a tad sleepy and tired right now but i really want to blog something about it.I had a lot of fun with my teammates sobra.Although it was just for a day pero i can say its one of the most memorable events I had in my call center life.Hindi ko na hahabaan ang kuwento ito na lang,in a capsule form,ang highlights ng team building activity na to.Food trip.Videoke trip.Kuwentuhan galore.swimming.stand up comedy.dance competition.concert in the park.usapang vegetarian.usapang the buzz.kris aquino.usapang marijuana.usapang multo.usapang junjun.going bulilit marathon.may natutulog na nagsasalita.may naglalakad ng natutulog.may natutulog na naghihilik.ahehe.kompletos rekados.
To my fabulous team mates and to my TC,you guys are simply the best.=)
TC Jello-TC I'm really thankful kaw ang naging TC namin,we will never trade you to any other TC in TXU.Once a tomahawks, we will always be a tomahawks kahit mareshuffle pa kami,I know yung bonding natin as a team hindi mababago.Thanks TC sa team building na to,dati nagpaplastikan lang kami ngayon hindi na masyado.
Ate Dines-I hope nagbablog ka para mabasa mo ito.Ikaw ang nagbigay buhay sa team building natin.Sobrang naaliw ako sa mga dance steps mo with matching props pa.Ano sinabi ni Mystika sa choreography mo.At ang singing talent kumakabog.Pangjapan talaga.ahehe.The who ang lola mo na nakainom ng ilang sachets ng extra joss,nabinat sa sakit at nagmanifest ang mga evil spirits during our team building?Hulaan nyo.Siret na?
Meg-Our meggystar,I know ikaw ang conceptualized ng lahat ng ito.Conceptualize daw oh?Kahit wala ka ng pahinga makita mo lang organize ang lahat,okay ka na.Super OC ka talaga.Salamat sa pagprepare ng breakfast kahit di ko natikman, sa paghuhugas ng plato, sa pagliligpit ng mga kalat ng pasaway na mga kagrupo natin.In short salamat sa pagiging tsimay mo para sa Toma.ahehe.Ang magiging pinakamagandang tsimay sa balat ng Texas.O bumawi ako.I'm so mean.hehe.may da who pala ko uli,sino ba tong lola mo na malakas mag***** .?Txt Toma space answer double space and send it to outer space.
Jeng-Videoke buddy!Sana kumanta uli tau na parang wala ng bukas chong hehe.Impeyrnes high score ka sa magic sing medyo nilakasan mo kasi boses mo nung huli eh. hehe.Joke lang jeng.Oist salamat pala sa magaganda mong sinabi nung bull session.Sori naubusan ako ng cash nung gabing yun kaya hindi kita nabayaran.Lista mo muna ha.Upload natin ung winning shot mo sa frendster.hehe
kelly-namiss k namin kelay sobra.Buti nakapunta ka.alam mo sa sobrang miss ko sayo yung pagiging irate at bitchy mo sa mga Texans ginagaya ko na.haha.Kahit may sipon ka galing mo kumanta .Hope to see u soon mare.Pestehin uli natin ang buhay ng mga kano.joke.In the mean time habang wala ka ako muna uupo sa trono mo.Whatever ma'am.
Prima (Donna)-Prima,masyado k ng popular frend ha di na kita maabot.hehe.wala lang,kasi totoong tao ka kaya like ka nila.Pero ingatan din ang dila minsan.HIndi ka namin kinaya sa mga panglalait mo, sobra pati si TC di mo pinatawad.Pero luvs ka namin.Platonic lang.hehe.
Sandro-Mahal aka Britney Spears aka Boy TIgas.Ohmygod m so confused.Parekoy may future ka sa stand up comedy.Aliw ka.Ano pinapasok ka ba ng misis mo sa bahay nyo paguwi nyo?Hindi ka naman amoy chico,amoy lime-gin ka oh di ba sosyal?Sana nakauwi ka naman ng buo.
Ron-Hindi kita narinig kumanta,pero narinig kita humilik.Im really a bad person.Alam mo naman yun di ba?Whatever you say sir.Alright whatever maam.Huwag mo kong gagayahin ha?
Aba-sarap ng meat magic mo chong.Nagenjoy ka sa going bulilit ah.kaw ang pinakamalakas tumawa.Angjojologs natin parekoy.Every sunday alam ko na ang TV viewing habit mo-concert at the park at going bulilit.Ano nag jacuzzi ka ba chong?Baka naman nahubad yung short na pinahiram ni RG haha.
RG-ingat ka kay Ate Dines.always ready daw siya para sayo.ahehehe.Sulit na sulit tayo sa swimming pool chong ha.zareen-sayang aga mo umuwi.ang dami mo namiss.sana makasama ka namin ng matagal minsan.=)Busy busyhan na naman uli tau pag tapos nito.
Special Guest Vice-Chong salamat sa pagpunta sa party ko.Text text.heheOk I'm not yet done with my statement peeps(D who ang may famous lines na ito), sa iba pa naming kasama,sana po nagenjoy din kayo.
Flo,Cassy,Vyron,Mau,TC Daniel-pasensya na po sa mga Tomahawks kalalaya lang ng mga yan.Pasensya na maingay kami.Sana yung audits namin wag naman maapektuhan dahil dun.hehe.joke.Sana u guys also had fun.=)Sana pag nagcheck kayo friendster,sana mabasa nyo tong blog ko.Cg tulog na muna ko.balik alipin na naman ako later eh.Gud day everyone.=)

Monday, April 25, 2005

text from an ex


Same sunday afternoon,heto nagrerelax kahit paano,bukas kasi papasok na naman,work uli.Ayoko na muna magisip tungkol sa work.Nadepressed talaga ko sa fonlab namin,paano failure ako sa quality,to think napakasimple lang ng call.I feel really stupid.I am not feeling well naman kasi, sobrang mukha akong tatrangkasuhin,buti na lang inatake ako ng sakit bago magweekend.bawi na lang siguro ako sa Monday.

Tomorrow punta ako sa BSU or baka phone call na lang muna ang gawin ko kasi sayang naman baka pumunta ako dun tapos marereject naman ako.Sana Lord open pa sila for second degree takers.Lord sana...

I got a weird text this from someone I dunno:
"Musta sory sa abala.kelangan ko lang kc ng kausap,pero ok lang kung d k pwede.Hhhhmmm...Kung tatanong mo bkit ikaw,una kc d tayo magkakilala at wala k naman kakilala na kilala ko kaya d mo makukwento s knila.pangalawa,since npareho tayo s isang bagay baka makarelate k.Pangatlo,ok lang kahit d k magsalita basta alam ko lang n may nakikinig.ok n kahit buntong hininga ang maging reaksiyon mo s mga sasabihin ko.pasensya k n ulit."

I have this strange feeling na this is M.M..wag naman sana.sana patahimikin nya na ko.Although naiisip ko pa rin sya,I also have life of my own.sana naman tigilan nya na ko.Sana naman hayaan naman nya na ako naman ang maging masaya.kasi napakaselfish nya naman kung babalik sya at sasaktan uli ako.I cant remember anything bad na ginawa ko sa kanya kaya sana naman maisip nya yon.

Wednesday, April 20, 2005

rantings again

I am starting to lose hope na makakapagaral uli ako.Until this time, hindi pa rin ako nakakapaginquire sa BSU.I wonder if they are still accepting second degree takers by this time.I am contemplating of taking up HRM.Gusto ko kasing magwork sa isang hotel someday o din naman kaya'y magmanage ng isang resto,whichever comes first.Sana tomorrow makapunta ko ng BSU.Career wise next level na ko.We are currently training for TXU enrolment,that means madadagdagan na ang work load namin.Aside from billing inquiries, we'll be handling calls to set up electric service for Texans.Excited na rin ako about it,since anytime this week we will start to take in calls.Sana wag akong sumablay sa mga first calls ko.Pinapaganda ko kasi stats ko,although I am not seeing myself being promoted within the year.Ewan ko ba.Anglabo.Siguro hindi lang talaga part ng goal ko na magexcel sa customer service.Ayokong kareerin ang pagiging call center agent.Para sakin I am working because of the money,kelangan ko maginvest sa pag-aaral ko o di kaya naman yung mga things na gusto kong mabili.
Marami rin pala akong nabili kahit paano.Pero as of now ayoko nang magpakaimpulsive buyer.May mga gusto kasi pa kong bilhin.1.Rusty lopez brown shoes worth 18002.Eyeglasses worth 30003.Digicam worth 100004.Nokia 6600 worth 16000.Ang taray di ba?Yung first two lang siguro ang afford ng pera ko.The other two,makukuha ko lang yun ng installment o kaya nakaw.hehe.Kailangan ko talaga magipon.Within this year gusto ko sila mabili lahat.And siyempre kailangan ko maginvest sa computer ko.1.Printer2.Scanner3.Webcam4.Cd writerMajor goodluck talaga kailangan ko magtrabaho.Sana makakuha ako ng part time job.Ayun.Let's go naman to my lovelife.Actually,for a change hindi na talaga ako makikipagcommit.Naging cynical na kasi ko pagdating sa realationship.I've learned my lesson the hard way.wala lang.Boring ng buhay.Gigising ko to go to work.Chickahan ng kaunti sa officemates.Uuwi ng umaga matutulog.And the cycle goes on.Sana there's more to life.Hindi lang work work work.Sana sa work man lang may makita ako na satisfaction or enjoyment.Sana may lovelife.Sana may nangangareer sakin.Sana may mameet ako na mayaman na friend.Magpapakasocial climber na ko ngaun.Sawa na ko maging jologs at mahirap eh.Ang boring ng buhay ng ganun.=)Sana may hobbies pa kong iba like painting or writing o kaya kahit anong crafts and arts na pupuno ng oras ko.Geeh,what a wasted youth.Cg na nga I'll start na nga to engage myself sa mga makabuluhang bagay.Masyado nang maraming naksayang oras at pera.

Tuesday, April 12, 2005

Kadramahan na naman

Sana mapagisipan kong mabuti ngaung april kung itutuloy ko ba o hindi ang pagbalik ko sa school.I am planning to study in BSU.I tried to research ung mga probable course na pwede kong kunin.Gusto ko sana psychology or sociology pero wala sila nun.So baka HRM na lang ang kunin ko.Pero I am not sure kung tumatanggap sila ng second degree taker.Kung hindi kukuha na lang siguro ko ng units of education.Pinagiisipan kong mabuti ito kasi I know hindi ito madali.Kaya ko bang pagsabayin ang school at work, kasi whether I like it or not, I am sure may isang magsusuffer so better think of it carefully.Pero gusto ko talagang may maaccomplish sa buhay ko this time.Ngayon ayoko nang magpapetiks petiks sa trabaho.Gusto ko mapromote na.Gusto kong mapunta sa QA,gusto kong umangat pagkatapos ng isang taon.Ayoko nang maging isang agent lang.Gusto ko may maabot naman ako kahit paano.I realized that sometimes hinahayaan taung madapa ng Diyos, hindi para saktan tayo kundi para ipakita sa atin na maganda ang buhay.I am so happy and thankful sa lahat ng mga nangyayari sakin.The joy in my heart is simply undescribable.Masakit yung ginawa sakin ni Mike.Siya ang pinakawalang kuwentang taong nakilala ko.Ayokong isumpa siya kahit kasumpa sumpa siya kaya gusto kong ipa sa Diyos na lang ang lahat.At the back of my mind alam ng Diyos, ung galit na nararamdaman ko.Noon hindi talaga ako pumapayag na nagpapaagrabyado.Pero sa dami ng mga kasalanan ko, sa mga nagawan ko ng masama, ngaun I am starting to harvest the fruit of my bad deeds.Ang karma nga naman.Life has to go on.Back to work.Back to being single.Walang sakit ng ulo.Maraming bagay ang naghihintay ng atensiyon ko.Trabaho.Pagaaral.Pamilya.sarili ko.Hindi ko siguro muna kailangan ng taong magpapaikot ng mundo ko.Kasi marami pa kong gustong mabago sa buhay ko.=)

Saturday, April 02, 2005

Issue 101

Note:some parts of this post were edited.
Dumating na naman ung point sa buhay ko na kailangan kong ireview at iassess ang sarili kung ano na nga ba ang nagawa ko sa 23 taon kong pamamalagi dito sa mundo.

Presently I am working in a call center,although compared to other jobs, mas malaki ang suweldo ng mga nagtatrabaho sa call center pero kung tutuusin tagasagot lang naman kami ng telepono.Maraming pagkakataon na naiisip ko na our generation is really lucky because this is the time when the call center industry booms and a lot of new graduates and unemployed Pinoys were given jobs.But then, I am a graduate of computer science and I still dont understand what the heck am I doing in customer service industry, an electric utility serving customers at the other side of the globe.Kumikita nga ako ng pera,pero puyat namang lagi at wala pang social life.Bukod dun hindi ko napapakinabangan yung kursong tinapos ko.Kung minsan napapagod na talaga ko pero alam ko naman na sadyang tamad lang ako.Narealized ko na ngaun na may ugali talaga ko na ningas kugon.Tapos I always wanted to get what I want the easiest way as possible.Kaya nga I am not seeing myself that I will get promoted sa trabaho kong ito.Pumapasok ako sa trabaho pero lagi ko ring hinihiling na sana maging mabilis ang pagtakbo ng oras,na sana asais na na o abente uno para makuha ko na ang sweldo ko.Kung tutuusin kumpara sa mga kaedad ko,hindi naman ako ganun kaluho.Ano ba yung makabili ako ng isang t shirt, pantalon o di kaya brief pagkasweldo.O di kaya naman makakain man lang ako ng Bigmac o mabilhan ko man lang ng pasalubong ang nanay ko.Ewan ko ba kahit pa alam kong sapat naman yung sinusweldo ko laging feeling ko kulang yun.Sa anim na libong suswelduhin mo, kailangang magbigay ka sa nanay ng isang libo, yung dalawang libo para sa allowance mo sa susunod na dalawang linggo,limangdaan para sa telepono,limang daan para sa mga gamit ko sa katawan,isang libo itatabi para sa insurance at iba pang gastos sa bahay at ang isang libo bonus na lang sa iba pang luho.Akala ng mga kapatid ko malaki yung sinusweldo ko pero malaki nga ba?Sa mahal ng mga bilihin ngayon at ang pamasahe ko magkano, kulang kulang dalawang daan araw araw.Malamang nagtatampo rin ang mga kapatid ko dahil hindi man lang ako makapagtreat kapag sweldo ko at mga pamangkin ko hindi ko man lang mabilhan kahit ice cream.Wala lang, naibubulalas ko lang tong mga to dahil sobrang masama ang loob ko sa buhay.Heto na naman ako na nangangarap nasana ipinanganak akong mayaman,sana anak ako ng isang Lopez o Cojuangco.Pero hanggang pangarap na lang.
Marami akong issues sa bahay.Sa june gusto kong mag-aral ng kursong gusto ko, psychology o di kaya sociology para pagaralan ang buhay buhay ng mga tao.Para makita ko naman yung buhay ng iba.Pero mukhang malabo dahil wala akong perang pangtuition.kahit yata vocational course hindi ako makakakuha, asa pa ko na second degree.At ang taas ng pangarap ko, gusto ko pa sa UP Diliman.Sayang talaga,naging scholar nga ako ng DOST, hindi ko naman gusto ng course ko pati eskwelahan ko nga tinatakwil ko.Paano feeling ko lahat naging palpak sa apat na taon ko sa kolehiyo.Tinignan ko yung grades sa transcript ko, angbababa ng mga grades ko sa major subjects ko.Hindi talaga para sa akin ang math at logic.Pero kung pipili naman ako ng course na pang arts, hindi naman ako magkakapera dun.And I dunno kung artist talaga ko.masyado na ngang nasuppress yung pagiging artist ko,kaya nung huli akong nagattempt na magpainit, gumawa ng tula at sinubukang sumayaw, palpak lahat sila.

At oo naiisip ko si M.M.mahal ko siya sa depinisyon ko ng pagmamahal.Kasi sa edad kong ito iniisip ko, hindi ko pa rin alam ang meaning ng love.Marami kasi akong nasaktang tao.May mga tao rin na nagmamahal sakin na hindi ko naman naibabalik yung pagmamahal na binibigay nila.Sana sa buhay ko bago man lang mawala yung mga taong dumating para ipadama at ipakita na mahal nila ako.Maiparamdam ko sa kanila na mahal ko rin sila at maipakita ko sa kanila na mahalaga sila sa akin.Sana hindi ko sila mabalewala t sna maging sensitive ako sa nararamdaman nila.Sana rin maging mapayapa na at masaya ang puso.Kahit pa may dumating na problema, sana maging matalino na ko at matured para isolve sila.Sana maging organized na ang kalat kalat kong buhay.Sana lagi kong maisip na maganda ang buhay.=)