Monday, July 25, 2005

Attack to the Pirates' Paradise

After my shift last saturday, I immediately prepared myself on my trip to Quiapo.I have been planning of going to Quiapo for so long but I really have no time to do so.Finally I have the time last saturday.Well this is about my DVD hunting.
So I went to the DVD lair of Manila.Marami nang nagsabi sa'kin na mura at malinaw ang copy ng mga pirated DVDs sa Quiapo.For only PHP60,makakuha ka na ng kopya ng paborito mong movie na matagal mo na hinahanap.
I know na iba pa rin ang original and I do understand that piracy kills the movie and music industry yada yada yada however times are tough and I have to be practical.So forgive me if I support piracy.Besides yung mga art films at classics na nandito sa Quiapo wala na sa mga legitimate stores.At totoo piracy of arthouse films brings movie appreciation to a higher level wherein the masa can now appreciate reading subtitles. Ewan ko kung magagree kayo.
I really dunno where exactly could I get clear copies of pirated DVDs in Quiapo.What I did was I tried to research over the net to find the Quiapo map where I can find my treasure.So I got this link and it made my trip to Quiapo easier.This is what I got from idiotboard.blogspot.com/ 2004_08_01_idiotboard_archive.html.Thank u dude.Post ko na rin dito if ever may mga interesado, may mga pics sa link nya so pakiclick na lang po yung link.Talagang niresearch ko daw ba?Hehe.
---
The hidden location of the pirate's lair. Just go into Arlegui Street.;Hmmm... And so the plot thickens. This is one of the entry points to the infamous Quiapo DVD market. From the Quiapo church, you have to cross the underpass to the other side of the avenue.
There, you can ask for directions or better yet just follow where most people are going. Here, Arlegui street poses as one of the less crowded access to the fabled stuff. Just go straight. Do not panic if you see a cop because as far as anyone with an IQ higher than 90 knows, they are frequently batting a blind eye to this seemingly illegal trade. I think their philosophy is that as long no one is hurt, killed, maimed or kidnapped, then everything's well.
Caution: Do not bring lots of cash, or credit cards for that matter. Do not show off your cellphone in public, or use it in the streets. Do not wear expensive watches or jewelry for they can become targets for street pickpockets. Do not wear formal clothes because Muslim merchants are wary of giving discounts to coƱos.
Furthermore, do not make any snide remarks ala GWBush about Muslims because you won't get any discount that way. (I was about to write "you won't be able to escape Quiapo alive if you do insult them.")
Inside one of the many alleys in DVD country;There are lots of places to start. And you have to be discriminating with your choice of DVDs. Just don't take it as it is because if something is wrong with it, it can be very difficult to return it back for exchange. There are rows and rows of DVDs and with luck, you can stumble on rare titles (like the works of Paolo Pasolini & Kurosawa), or better copies of unreleased films. The DVDs are stack on shelves upon shelves extending from the floor to the ceiling. When they say DVD copy, it means it was copied from the original, but when they say "Clear copy," it means it's not worth buying the disc yet.
My routine:1. Check for the titles.2. Check for scratches and defects on the shiny side of the DVD.3. Have you choice be tested on their DVD player.4. Haggle. Currently, it's P70 ($1.30) per disc. If bundled into three purchases, you can get them for P65 ($1.20) each.5. Make sure they stamp/mark the DVD title insert, so if you return them, you can argue that it was from their store that you've bought the disk from because if not, they can play that Shylock argument that you "might have bought it from other stalls."An otaku shopping for anime;There are lots of films to choose from. Just remember to have the presence of mind on what to buy and a limited budget for your trip, so that you won't indulge on impulse buying. It's difficult to control oneself once you're there, especially if you have been afflicted with the shopping bug.
Many of the films being peddled in Quiapo are:1. Unreleased Hollywood films a. copied from a promotional discb. copied inside a theater2. Released Hollywood films (copied from the original DVD)3. Classics (Hitchcock, Kurosawa, war movies, etc.)4. Arthouse films (infrequent, scarce supply, rare titles) ex. Criterion collection5. Asian foreign films (Korean, Japanese)Raids are frequent in Quiapo.
However, if Edu and his cohorts have a scheduled raid, more or less, the sellers have already been tipped off and are extremely vigilant during that particular day. You can see them talking about the impending raid, having boxes readied, and their supplies are not 100% displayed. Besides, if a raid ensues, the news spreads like wildfire and within a span of five minutes, all of the shops are closed. Should you encounter one such raid, then simply head to the nearest convenience store and take cover.So, be sure to send a postcard on your next trip to Quiapo.
---
Pagpunta ko sa place overwhelming talaga yung dami ng pirated stuff,VCDs,MP3s,CDs, VCDs and all the gadgets.I studied in Manila pero takot talaga ko pumunta sa Quiapo kaya I am not really familiar with the place.Notorious kasi ang lugar na ito sa dami ng mandurukot at manloloko.Kaya the moment I got there,talagang maingat talaga ko sa pera at cellphone ko.Pati bag ko yakap yakap ko.
Pumasok ako sa street na malapit sa Mini Stop gaya ng sabi sa treasure map ko.Sa street na yun dikit dikit na yung mga nagtitinda ng pirated stuff.Sa bungad pa lang may magaalok na sayo "Boy poren, tripol ex gusto mo?".hehe.
Sa totoo lang sa dami ng movies na nandon ang hirap magisip kung anong bibilhin mo.I should have prepared myself a list ng mga movies na gusto kong panoorin.Kasi mahirap magtanong sa mga tindera,"may movie ba kayo na ganito?"Pag medyo old na yung movie at hindi sila familiar sasabihin nilang wala kaya kailangan mo talagang iscan ng mga mata mo yung mga nakadisplay.Mostly mga movies na bago lang or being shown in movie theaters yung mga nakadisplay so kailangan matiyaga ka maghanap.
Pati mga Korean, Chinese, art films,television series meron sila like Sex and the City, Smallville,CSI,Alias,Queer as Folk,Memories of Bali,Hotelier.Meron ding mga concerts,music videos and documentaries.Kompleto talaga.Pero kahit na naoverwhelm ako sa dami ng mga DVDs I only got myself Pulp Fiction by Quentin tarantino,Y tu mama tambien,Korean flicks like My Sassy Girl,Windstruck and Crazy Love.I am not really into korean flicks pero dahil kay Ferdie nacurious tuloy ako why he go gaga over these Korean movies and series.hehe.check ko nga ano meron dito.
ewan ko.Wala naman akong time manood ng DVD sa mga panahong ito so nagisip rin ako na huwag mag pakaimpulsive buyer besides isang beses ko lang papanoorin.But still next saturday, attack na naman ako sa Quiapo at maghahanda na ko ng list of movies na gusto kong panoorin.hehe.Aja.

Sunday, July 24, 2005

Mga turo ni nanay at tatay

I got this from my email natuwa lang ako so pinost ko dito.Aliw.

Tandang Tanda Namin Ni Kuya Ang Saya At Lumbay Sa Poder Nila Inay AtItay... Lalo Na Ang Mga Magagandang Lessons Na Natutunan Namin SaKanila!
  • Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE. "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mgapunyeta kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
  • Natuto ako ng RELIGION kay Itay. "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
  • Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL. "Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayong todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"
  • Kay Inay ako natuto ng LOGIC. "Kaya ganyan, dahil sinabi ko." Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC. "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag- isa angmanonood ng sine."
  • Kay Itay naman natuto ng FORESIGHT si Kuya."Siguraduhin mo na lagi kang magsusuot ng malinis na brief, para pagnakascore ka sa syota mo e di kahiyahiya."
  • Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY. "Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
  • Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM. "Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"
  • Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA. "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yan gulay mo!"
  • At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng BAD WEATHER. "Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
  • CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito: "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
  • Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION. "Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan na parang Nanay mo!"
  • Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng GRATITUDE. "Mga leche kayo, maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamatat mayroon kayong magulang na tulad namin?!"
  • Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION. "Tangna kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay...."!
  • Si Inay naman ang nagturo sa aking kung ano ang HUMOR. "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"
  • Kay Itay naman natuto si Kuya ng HOW TO BECOME AN ADULT. "Kung di ka matutong magbati, eh di ka nga tatangkad."
  • Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS. "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."
  • Kay Inay din ako natuto ng WISDOM. "Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat."
  • At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE."Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'ymatulad sila sa yo...haliparot!

Tuesday, July 19, 2005

Of Bob Ong,Audrey Hepburn,Galera and Badinggerzie.


Went home from work early today.Its not the usual Monday in the sense that call volume was pretty low,(isa itong himala)and I had no sup call last night because I manage to pacify them.I just tell them to shut up.Kidding.'Yung dating "lunok lang laway ang pahinga" eh kagabi pwede ka ng tumingin sa katabi mo ng mga dalawang minuto.
Hindi na ko nagovertime kanina.When I got home, i immediately opened my PC 'cause I have to fix my blog's template for the nth time.To my surprise I don't have Internet load already.Dyaran.Bummer.So tulog na lang ako.
Tulog.Tulog.Tulog.
So ano nga bang pinagkakaabalahan ko aside from blogging galore?

I have been reading Bob Ong's "Ang Paboritong Aklat ni Hudas."I am already on the 79th page pero so far hindi pa ko naaliw.Mas maganda pa rin yung first two books,ABNKKBS N PL AKO and Bakit baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?Anyway nasa dulong pages pa siguro yung mga punchlines ni pareng Bob Ong.Hihintayin ko na lang.

I watched Audrey Hepburn's Breakfast at Tiffany's last night.Ayoko na magpakafilm critic na naman ngayon.Carry lang yung movie.Basta ang masasabi ko lang Audrey Hepburn is one of the prettiest faces in Hollywood.The way she dress up and carry herself,walang kaeffort effort.And maganda yung "Moon River" na song nung movie.Don't ask me if the movie is good or not.

Meg invited me to go to Galera on the 30th.Two days daw together with some of her friends.I said I'm interested to join.Pero wrong timing talaga 'tong c Meggy.Kung kailan bumabagyo na and everything saka napagtripan ng lola mo na magbeach.Sabi nya bagyo or raining,tuloy daw.May sayad yata 'to eh.Anyway I might join na rin siguro,tutal I have never been to Puerto galera.

Oist nga pala, about our angel,may pangalan na siya.Her name is Sofia Annica.Kung saan nakuha ng sister ko ang name nung bata ay hindi ko alam.Cute naman yung Sofia na name eh.Pero angel pa rin ang itatawag ko sa kanya not that I like Angel Locsin, haha pero she's really an Angel for me.

I really needed a break.Balak ko na magfile ng VL.Gusto ko sana pumunta ng baguio kaso nakakalungkot.ano ko magisa lang pupunta 'dun..Baka mabagsakan lang ako ng landslide.Paranoid haha.Umuulan ulan pa.Lungkot.Bakit kaya tuwing umuulan,iba 'yung sadness na nararamdaman mo.Totoo yung nasa blog ni badinggerzie.About the rain galore.haha.May kakaibang sadness.
Plugging:Nga pala to those reading my blog visit the blog of badinggerzie.Aliw yung blog na yun.I have been looking for a blog na ganun matagal na,minsan na akong naaliw sa blog ni Chona mae banaag kaso huminto na magsulat yung writer.:(.Anyway for kabadingan and everything just go hit the link ayt ni badinggerzie?Para kang nanonood ng stand up comedy ,promise with kaunting kadramahan on the side.Aliw.

So ayun, wala na kong masasabi.I better post this now bago pa magloko yung blogger.Ilang beses na rin akong nabiktima na pagkakahaba haba ng tinype ko tapos biglang nagloko yung blogger,goodbye na lang sa mga memories ng mga sinulat mo.

'Yun lang po maraming salamat.Sa uulitin.
Toinks.

Pinoy/ Blonde dares to be different ???


Unitel Pictures is known for coming up with movies that go against current trends.Movies that are different.Think of Sharon Cuneta’s "Crying Ladies," Angelica Panganiban’s "Santa Santita," and Robin Padilla’s "La Visa Loca," all of them well-received. I have seen "Crying Ladies" and for me,it is really one the best Filipino movies of all time
.
And so I went to Sm Marilao yesterday to see Unitel Pictures' newest film, "Pinoy Blonde" topbilled by Epi and Boy 2 Quizon, playing two film school geeks who get entangled with the underworld."Pinoy/Blonde" is a collaboration of Peque Gallaga and Lore Reyes.I dunno but everytime the names of these directors were mentioned,what comes to mind is Shake Rattle and Roll sequels.Although I know Peque Gallaga made a film that was a hit during the 70's,I forgot the title though.

"Hindi typical Pinoy film" the blurb reads. According to an Inquirer review,the promotion has been claiming that "To say that Pinoy/Blonde is not your typical Pinoy film is an understatement", however the effect of the brocka-bernal debate on the target 14-29 demographic remains to be seen.I have to agree.
I was disappointed seeing the movie.The movie is pretentious in a lot of ways ,pilit when it comes to acting,hilaw pagdating sa script.Dont get me wrong,I have seen a lot of Filipino films who really dares to be different.And Pinoy Blonde is not one of these.
Nagconcentrate ba sila sa visuals at pagcacast ng maraming artista para bumenta? It had no script, just a bunch of quotes from hollywood movie and yung Brocka-Bernal dialogue/debate ay nakakairita,paulit ulit,nakakasawa.The only saving grace of the movie was Jaime Fabregas.And maybe the polished visuals.maganda talaga,opening pa lang,visually stimulating na.Hindi ko man lang na feel 'yung presence ni Eddie Garcia.Pilit yung pagkawitty ni Boy 2 and Ipe.Sorry this is my first film review on my blog pero sobrang mean ko.hahaha.
Once again, another all-hype pinoy movie.Maybe that's why yung ibang kasama ko sa sinehan,hindi na tinapos yung movie.I stayed and finished the movie.And yes,I wont recommend it to my friends.If they want a good sleep in the cinema,maybe.
I am glad that local producers like Unitel Pictures are actually making movies like this"who dares to be different"Well...hope they will actually make a good different movie next time.Sana kung may battlecry man na "not a typical Pinoy movie" ay makikita mo talaga pag pinanood mo yung movie.Sana hindi dinaan sa publicity.
I'm hoping.

Friday, July 15, 2005

Angel

May bagong anghel na dumating sa pamilya namin. At hindi man namin siya kadugo pero ituturing ko siya na hindi iba sa amin.Isa siyang anghel na matagal na naming hinihintay.

Matagal ng mag-asawa ang kapatid ko na si Ate Rina at bayaw ko na si Kuya Arnel. Siguro mahigit kumulang na rin silang sampung taon na nagsasama. Dalawang beses na nakunan si ate.Dalawang beses na siyang pinagkaitan ng dalawang anghel na sana'y naglalaro na dito sa bahay sa Bulacan tuwing Linggo kasama ng dalawa kong pamangkin na si Nica, Detdet at ang isip bata nilang Tito.
Nalulungkot ako pag naiisip ko ang hindi pagkakaroon ng anak ni Ate. Alam ko rin na nasasaktan ang bayaw ko kapag nakakantiyawan siya ng Kuya ko at ng isa ko pang bayaw na si Kuya Jeff ng "ang hina mo naman pare."Isa yung malaking insulto. Hindi ko rin alam kung nakakatulong ba yung mga suhestiyon namin sa kanila na magsayaw sila sa Obando at magalay ng itlog kay Sta.Clara para magkaanak.Masyado kasing mapamahiin ang pamilya ko.Maaring minsan ay naiinis na din sila dahil naprepressure sila sa amin sa pangungulit namin sa kanila ng bagong baby.
Kung ilang beses na ring komunsulta si ate sa doktor.Regular nga ang check up nya sa St . Lukes.May mga injection at gamot din na binigay sa kanya.At bukod sa kanya ginagamot din yung bayaw ko.Sabi daw ng doktor mahina ang bilang semilya nito.Kaya kailangan talaga ng effort para dito at siyempre maraming pera.Matagal na ang gamutan na ito pero hanggang ngayon wala pang resulta at naghihintay pa rin kami.
Although mga bata pa naman sila at hindi nawawalan ng pag-asa tungkol dito,madalas imungkahi ng mga kapatid ko na magampon sila para may magalaga sila sa pagtanda.Meron pa nagsabi na yun daw ang magiging dahilan na magkaroon pa sila ng maraming anak.Pero siguro out of pride, ayaw ng bayaw ko na magampon.Iba pa rin daw yung kadugo niya.Si Ate gusto niya pero dahil ayaw ng asawa, ay sunod na lang siya.

Isang kamaganak ang nagsabi sa amin na may kakilala siya na manganganak sa buwan na ito at gustong ipaampon ang ipinagbubuntis niya.Malapit lang ang bahay nito sa amin.Ilang beses na rin kasi nitong sinubukang ipalaglag yung bata.Sampu na ang kanyang anak,at panglabingisa yung dinadala nya.'Yung tipikal na kuwento ng kahirapan.Ang gusto lang daw niya ay pamasahe papuntang Visayas,pambayad sa huling upa sa bahay at pagkatapos ay lalayo na siya sa lugar namin.
Naging interesado ang nanay ko doon.Naisip nya yung kapatid kong babae na matagal na nananabik na mgakaroon ng anak.Pinasubaybayn nya yung babae,inalam yung background,at nakipagusap sa isa pang kakilala na sabihin na merong interesado magampon sa ipinagbubuntis nya.Kahit kailan hindi nakipagusap o nakipagkilala si nanay dun sa babae.Hinayaan nyang iba ang makipagusap para sa kanya.Para nga naman kung sakaling magkaroon ng bawian eh hindi malaman kung sino talaga yung nagampon.Inalam din ni nanay kung ano ba yung mga papel na dapat lakarin para sa pagaampon.Napagkasunduan na si nanay na nga ang kukuha dun sa bata.At ibibigay nga to sa kapatid kong babae.

July 11.Mismong kaarawan ni nanay,sinabi samin na naglalabor na yung babae.Pinabantayan namin yung bata at kinuha pa ng midwife.Wala pa yatang isang oras ay dinala na sya sa bahay.Naawa ako dun sa bata at naawa din ako dun sa nanay.Hindi man lang kasi nakita nung nanay kahit daliri ng anak nya.At yung tatay naman nung bata,hindi man lang sinilip yung anak nya.Ipapaampon din naman daw yung bata kaya wala na siyang pakialam.Anong klaseng magulang ba ang may ganun klaseng pagiisip?Bakit kailangan ipaampon ang bata na para lang nagpapamigay ng aso?
Naisip ko tuloy nung mga oras na yun,tama ba na ampunin namin yung bata?Pero bigla ko ring naisip na mas magiging maayos ng buhay nya sa kapatid ko.Mas matutugunan yung pangangailangan niya.Marami na kong kuwento naririnig na kuwento tungkol sa mga inaaampon at alam kong isa sa mga dahilan ay ang kahirapan ng mga magulang.sana maintindihan ito nung bata paglaki nya.
Nung makita ko ang bagong anghel na to, parang gusto kong mapaluha sa tuwa.Tinawag ko nga siyang Angel,kahit wala pang pangalan na binbigay sa kanya.Napakaganda at nakaputi ng balat ng bata.Napakasarap tignan ng maamo nyang mukha .Sobrang payapa.Kaya't nung natutulog siya wala akong ginawa kundi titigan ang mukha niya.Gusto ko siyang kargahin at yakapin pero natatakot ako dahil parang napakalambot ng buo nyang katawan .Gusto kong isipin na ako ang ama niya.Kapag umiiyak siya naaawa ako sa kanya.Iniisip ko na baka kalangan nya yung nanay nya.Sabi ko sana wag na lang syang kunin ni Ate.Sana sa akin na lang siya.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang tungkol sa pagaampon at pagkakaroon ng anak,handa na ba akong magkaroon nito?Marami sa kaedad ko at mas bata pa sa akin na may mga anak na.Pero alam kung hindi pa ako handa at iniisip ko na ayokong lumabas ang anak ko sa mundo ng hindi napaghandaan.Dahil hindi pa ko handa bilang magulang kaya't hindi ko maibibigay ng maayos yung pangagailangan niya o kaya'y humantong pa na ipaampon ko sya sa iba,na hindi ko gugustuhin na mangyari .
Para sa akin kakitiran din ang konsepto ng iba na ang pagkakaroon ng anak ay upang may mag-alaga lamang sa'yo sa pagtanda.Iyon nga ba talaga ang dahilan ng pagkakaroon nito?
Nung gabi ding iyon kinuha na ang anghel sa bahay.Parang pinahiram lang sya sa amin ng ilang oras at kinuha na sya ni Ate.Ipapaalaga daw sa pediatrician.Naiintindihan ko.Alam kong natatakot sila na baka makita pa nung Nanay dahil malapit lang dito sa bahay yung tinitirahan nito.Nalungkot ako.Kahit ilang oras ko lang binantayan ang batang ito,sobrang napalapit na siya sa akin.
Alam kong matatagalan bago kami magkitang muli pero alam kung sa mga susunod pang mga buwan,makasama ko din ang anghel na ito.May bago na naman kaming magiging kalaro ni Nica at Detdet.

Tuesday, July 12, 2005

For your Birthday

Alam kong masyado ng nagiging mabilis at kumplikado ang takbo ng buhay para sa akin. Alam kung hindi ko namamalayan na sa maraming pagkakataon ay nababalewala kita.Alam kung kulang ang pagpapasalamat o maging pagtanaw ng utang na loob.Sa dami ng sakripisyo mo,sa mga bagay na ginawa mo sa aming lima,makapagsusulat ako ng ilang aklat na naglalaman ng mga bagay-bagay na magaganda at dakila patungkol sa'yo.Para sa akin hindi ka man bayani,hindi ka man sikat pero walang papalit sa 'yo.Nagiisa ka.Kaya't sa pagkakataong ito,gusto kong malaman mo kung gaano ka kahalaga at kamahal para sa akin.

Dahil ikaw ang tanging naniniwala sa mga kakayahan ko.Lagi mong bukambibig ang pangalan ko sa mga kaibigan kahit mukha namang hindi sila interesado sa kuwento mo.Lagi mong ibinibida sa kanila na ako ay iskolar at marunong.Kahit pa nga sutil at pasaway.Pero natutuwa ako dahil proud ka sa akin.

Dahil tinitiis mo ang pagdadahilan ko na nagmamadali ako at sa office na lang ako kakain.Pero ang totoo hindi ko nagustuhan ang luto mo.Kaya nung minsan sinabi mo,hindi mo na alam kung ano ang lulutuin mo,baka hindi ko rin naman magustuhan.Alam kung nasasaktan ka dahil parang hindi ko naapreciate nag effort mo.Lagi mo ring inaalala kung masarap ba ang ulam o hindi.Matiyaga kang nagluluto.Kahit pa pintasero ako pagdating sa pagkain.Pero sana alam mo na lagi kong ipinagmamalaki sa mga kaofficemate ko na luto mo ang baon ko.

Dahil sa pagbili mo sa mga pagkaing gusto ko kapag may sakit ako.Kahit pa kung magutos ako parang may katulong ako sa bahay.Pero talagang napakasarap ng feeling na kapag may sakit ka ay may nagaalaga sayo.

Dahil pinagkakasya mo yung kakarampot na binibigay ko sa'yo pag araw ng sweldo.Kahit pa inuuna ko yung luho ko kesa makapagbigay sayo ng mas malaki.Pero yung ngiti na nakikita ko kapg nakapagbigay ako ng kahit na maliit na halaga ay nagpapamotivate sakin na magsipag sa trabaho.

Dahil matiyaga mo kong hinihintay kapag lumalabas ako sa gabi.Kahit pa lagi kong dinadahilan na lalaki naman ako at matanda na.Pero hindi ka nagsasawa na maghintay at hindi matulog malaman lang na safe ako dumating.

Dahil pinalaki mo kaming lima na may takot sa Diyos,edukado,may respeto sa kapwa,marunong tumanaw ng utang na loob at makisama sa kahit na anong uri ng tao.Kahit na ang iba sa amin ay talaga namang pasaway ang paguugali.Pero ni minsan hindi ko nakita na may paborito ka o pinapanigan sa amin kapag may nagkakamali.

Dahil nagampanan mo ng mabuti ang papel mo.Sabi nga ng matalik kong kaibigan na si Christian,sana naipapalit ang Nanay dahil kung puwedeng mamili ikaw ang pipiliin nya.Noon ko narealized kung gaano ako kapalad dahil ikaw ang pinili ng nasa itaas para maging Nanay ko.

At sa araw na ito, na alam kong napakahalaga sa'yo,binabati kita kita ng maligayang kaarawan.Nawa'y biyayaan ka pa ng mahabang buhay ng nasa Itaas.MAHAL NA MAHAL KITA NANAY.=)

Monday, July 11, 2005

Weekend in Chinatown

Buong akala ko talaga ay sa Binondo kami kakain kahapon.At naisip ko na isang Chinese restaurant ang kakainan namin.Ang alam ko lang kasing Chinatown eh yung nasa Sta Cruz Manila.Hindi pala ito ung Chinatown.Ang sinasabi pala ng kapatid ko na Chinatown ay isang buffet restaurant na nasa Banaue QC.Eat all you can ang gimik nila.At hindi lang Chinese food ang putahe, may japanese at Filipino din.Pero parang napamahal yata kami,430 per person kasi.Eh hindi naman ako kalakasang kumain.hehe.Pagkatapos ay may dalawa pa kaming batang kasama.
Pagdating namin doon ng ala una,napakarami ng tao.Parang may piyesta.Nagpareserve na kami ng isang table para sa buong pamilya.Kailangan kasi ng reservation dito dahil sobrang daming tao lalo na pag Linggo.Hindi pa nagiinit ang puwet ko ay sumugod na ko sa buffet table.Napakaraming pagkain,70 putahe ba naman.Balak kong tikman lahat.Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan nung iba nakahain sa mesa.Basta alam ko mukha silang masarap.May para sa mga carnivorous, vegetarian at para sa tulad kung kumakain ng kahit ano.Omnivorous ba tawag dun?Basta alam ko masiba ang tawa sa'kin ng kapatid ko.Minsan naman PG ang tawag nila sa kin.haha.
Takaw tingin lang talaga ako.Yung iba kasi, napakasap tignan,pero pag natikman mo wala namang lasa,maganda lang talaga ang food presentation.Halos mapuno ko ang pinggan ko pagbalik.Kalahati pa lang ng plato ang nauubos ko ay busog na ko.Balak pa naman namin magcompete ni Kuya sa pagkain.Kaya't nung tinignan ako ng kuya ko,biniro nya ko na "No sharing at no leftover" kung hindi ay doble ang babayaran namin.Sinabi kong nagpakabihasa ako sa Harvard para sa kursong dishwashing.Mabuti na lang katabi ko ang pamangkin ko na limang taon lang pero pang malaking tao na kung kumain.Kaya kahit pa no sharing ay pinaghatian naming dalawa yung kinakain ko.Sulit na sulit talaga yung binayad namin sa pagkain nya.Sa pagitan ng kainan,kuwentuhan kami na magkakapatid pati na nung dalawa kong bayaw.Ito ang bonding naming lima,ang pagkain.Dito lahat kami nagkakasundo.Si nanay kasi mahilig magluto.Pero ayaw na namin syang pagurin ngayon.Dati kasi sa Bulacan madalas magmeet ang buong pamilya.Doon na rin ang kainan, inuman at lahat lahat.
Tatlo na ang pamangkin ko at puro sila babae, si Nica, Detdet, at Nicole.Ang pinakahuli naming baby ay itong si Nicole.May balak yatang magampon yung isa kung kapatid na babae.Matagal na kasi silang walang anak nung bayaw ko.Ikukuwento ko ito sa susunod na post ko.
Pagkatapo ubusin ang pagkain sa plato,sunod naming nilantakan yung mga panghimagas marami din,may icecream,halohalo,mais con hielo,leche plan,sari saring cookies at iba pa.Kaya't busog na busog talaga ko.Sabay na kami umuwi ni Nanay,malas pa nga ang nasakyan naming FX,nakotongan na nga ng MMDA enforcer,naflatan pa ng gulong sa gitna ng North Lluzon expressway.Nakauwi kami ng bahay ng alas tres,nagpagupit muna ako at pagkatapos ay natulog na.gawain ng batugan at masisibang tulad ko ahehe.Pero iyon na yata ang huling eat all you can na kakainan ko.Marahil sa mga ispesyal na okasyon lang.Masasabi ko pa rin na hindi sya praktikal,sa hirap ng buhay ngayon.

That's how I spent an enjoyable weekend with my family.How about you?