I dunno where would I start.maybe i should greet everyone a happy new year!=)Hope u guys started the year right.Well,I just turned a year older last january 6.To those who remembered thanks a lot.gaya ng dati,I didn't celebrate my birthday.I didnt feel like celebrating it for some reasons.I just filed my birthday leave on that day but I never went out with friends or family.natulog lang ako maghapon sa bahay.What a great way to celebrate a birthday right?
---
Medyo nababagot na ko sa mga nangyayari sa kin ngayon.Sa work,half of the agents from our team are planning to resign by the end of the month.Sobrang contagious pala talaga ung feeling ng pagkawalang gana kapag may kasama ka sa work na hindi na motivated sa ginagawa niya at wala kang naririnig kundi mga reklamo.Ikaw na rin mismo napapaisip ka, kailangan mo na rin ba umalis sa kompanya?masaya ka pa ba sa ginagawa mo?
We had a meeting with the account's Site Director and Operations manager a week ago.Sinabi namin lahat ng hinaing namin sa kanila.Pinagusapan namin yung mga isyu tungkol sa salary, benefits, yung status namin sa company at yung pamamalakad ng ibang mga head dito.Umabot siguro ng 4 oras yung diskusyon na yon.Siyempre nauwi na naman sa maraming pangako ang lahat.Dinaan na naman sa magaganda at matatamis na salita.pero naiwan kaming may mga tanong pa rin na naghihintay ng kasagutan.Umaasa na sana masagot pa ang mga katanungan na iyon.
Nung nakaraang taon, kasabay ng pagkapromote ko sinabi na sa amin na magkakaroon ng increase sa salary.At may additional incentive na ibibigay sa amin.Pero nangaling na mismo sa bibig ng mga boss na mukhang malabo ng mangyari yun.Pero gagawa sila ng paraan.marahil nasabi lang nila yun para pagaanain ang loob namin.
Naging emosyonal pa ang iba sa amin, kasi bihira lang kasi kami pinapakinggan.Ang tanging hingahan namin ng sama ng loob eh yung mga katrabaho namin.Noon lang kami nabigyan ng pagkakataon na sabihin yung niloob namin.bago maganap yung meeting na 'yun, marami talagang galit, meron pang pagkakataon na gusto naming maglog out na lang nang sabay sabay at wag sumagot ng tawag.nagkapatong patong na kasi yung mga isyu at problema,na wala man lang pumapansin at hindi man lang napaguusapan.
---
Talagang mahirap umalis sa kompanyang ito.Ilang beses ko na itong naisulat sa blog ko, mahirap iwan yung mga tao dito, yung pagsamamahan mahirap tumbasan.marami sa mga kabatch ko noon na lumipat sa iba pero gusto pa ring bumalik.Hindi kasi mapapalitan ng pera 'yung samahan at kultura,kahit pa may mga ilan ka rin namang maipipintas na hindi maganda.nakita ko yun dahil ilang call center na rin ang napasukan ko at ito ang pinakamatagal.
---
Hindi ko pa alam kung itutuloy ko yung pagaapply ko sa QA at sa command (call ctr coordinator).Nagdadalawang isip pa ako kahit ang deadline ng application nito ay ngayong linggo.Naisip ko kasi baka nababagot na rin ako dahil masyado ng routine ang ginagawa ko araw araw.Siguro kung ibang trabaho naman, maging iba naman ang takbo ng lahat.
---
Pasensiya na sa mga nagbabasa ng blog ko,kung wala akong masayang maikuwento sa ngayon.Kung tutuusin,sa work pa lang yan dami ko pang issues sa ibang bagay,lalo pa sa personal life.Saka ko na isusulat yun.medyo mahaba habang oras ang kailangan ko para isulat yun.
----
----
Anyway,kudos to manny pacquiao for winning the boxing rematch with eric morales.astig!hehe wala lang..and also congratulations to kris lawrence for winning the search for star in a million season 2.