I found this scribbled on one of my journal notebooks.I wrote this last February just when I was about to commit suicide, just kidding.hehe.Just one of those days,when I was really really bored and tired of my life.Writing is really a good outlet for your frustrations and feelings especially when you feel like life is getting monotonous.Writing is also a theraphy for a tired soul.
Starbucks
Borol NLEX
February 25, 2006
Sabi ko gusto ko mag-isip pero hindi ako makapagisip.Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpaplano ng buhay ko.Bakit kasi dapat ganito kakomplikado?
Sana madali lang baguhin ang lahat.Sana pagising ko kinabukasan wala na lahat ng alaala ng panget na kahapon.Sana manhid na rin ang puso namakaramdam ng hiya, ng takot.sana ang simula ng bawat araw ay puno ng saya, ng sigla at ng pag-asa.
Kung iisipin, nakakapagod ding tapusin ang bawat araw ng buhay.Lalo pa't tila walang mahalagang bagay ang nagaganap sa iyo.Ang lahat ay ordinaryo at paulit-ulit lamang.Pero minsan, magugulat ka na lamang dahil bibiglain ka ng pangamba, ng isang malaki at nakakagulat na sorpresa.ganun nga siguro ang buhay.
Minsan gusto mong sumigaw, gusto mong humiyaw.Ngunit walang tinig na maririnig mula sa iyo.Minsan naman'y gusto mong paglaruan ang buhay.Gusto mong ipakita na matapang ka, na kaya mong maging katulad ng iba.Minsan pipilitin mong baguhin ang dating gawi, sa pagaakalang iyon ang makakapagpabago ng lahat at makakapagpasaya sa iyo.Pero bago ka matulog,bago mo ipikit ang mga mata mong pagod na rin, naisip mong bigo ka pa rin.Bigo ka pa rin sa kabila ng pagsusumikap mong baguhin ang lahat.
Sana nga pwede pang tumakas ang katotohanan na nasa harap mo.Sana dalawin ka ng panandaliang kabaliwan nang sa ganun ay malimot mo ang lahat.
Sana manumbalik ang dati.Sana maniwala ka na may kabutihan at pag-ibig na natitira pa sa mundo.Sana bumalik 'yung dati na nanapapangiti ka at napapatawa sa napakasimpleng bagay.Sana gaya ng dati, may sagot ka kahit sa pinakakomplikadong tanong.Sana matutuhan mong makamit ang gusto ng hindi nakakasagasa ng iba.Sana makasulat ka muli ng tula o ng kuwento ng buhay mo, gumuhit ng larawan,umawit kahit pa wala sa tono, makipagusap kahit sa di kakilala at makinig sa mga kuwento nila.Sana muling maramdaman muli ang init ng araw,makaligo sa ulan,maramdaman ang malamig na simoy ng hangin at makita na maganda ang luntiang paligid.Sana muling makita ang dating kaibigan,makipaglaro sa mga bata, magbahagi ng kaalaman at alalahanin ang magagandang nangyari kahapon.
Sana...sana hindi na ganun kakomplikado ang lahat.
---
Ang drama noh?hehe.When i wrote this i tried to convince myself that life is still beautiful depite all the pain and trials it bring.
---
Ang drama noh?hehe.When i wrote this i tried to convince myself that life is still beautiful depite all the pain and trials it bring.