Note:some parts of this post were edited.
Dumating na naman ung point sa buhay ko na kailangan kong ireview at iassess ang sarili kung ano na nga ba ang nagawa ko sa 23 taon kong pamamalagi dito sa mundo.
Presently I am working in a call center,although compared to other jobs, mas malaki ang suweldo ng mga nagtatrabaho sa call center pero kung tutuusin tagasagot lang naman kami ng telepono.Maraming pagkakataon na naiisip ko na our generation is really lucky because this is the time when the call center industry booms and a lot of new graduates and unemployed Pinoys were given jobs.But then, I am a graduate of computer science and I still dont understand what the heck am I doing in customer service industry, an electric utility serving customers at the other side of the globe.Kumikita nga ako ng pera,pero puyat namang lagi at wala pang social life.Bukod dun hindi ko napapakinabangan yung kursong tinapos ko.Kung minsan napapagod na talaga ko pero alam ko naman na sadyang tamad lang ako.Narealized ko na ngaun na may ugali talaga ko na ningas kugon.Tapos I always wanted to get what I want the easiest way as possible.Kaya nga I am not seeing myself that I will get promoted sa trabaho kong ito.Pumapasok ako sa trabaho pero lagi ko ring hinihiling na sana maging mabilis ang pagtakbo ng oras,na sana asais na na o abente uno para makuha ko na ang sweldo ko.Kung tutuusin kumpara sa mga kaedad ko,hindi naman ako ganun kaluho.Ano ba yung makabili ako ng isang t shirt, pantalon o di kaya brief pagkasweldo.O di kaya naman makakain man lang ako ng Bigmac o mabilhan ko man lang ng pasalubong ang nanay ko.Ewan ko ba kahit pa alam kong sapat naman yung sinusweldo ko laging feeling ko kulang yun.Sa anim na libong suswelduhin mo, kailangang magbigay ka sa nanay ng isang libo, yung dalawang libo para sa allowance mo sa susunod na dalawang linggo,limangdaan para sa telepono,limang daan para sa mga gamit ko sa katawan,isang libo itatabi para sa insurance at iba pang gastos sa bahay at ang isang libo bonus na lang sa iba pang luho.Akala ng mga kapatid ko malaki yung sinusweldo ko pero malaki nga ba?Sa mahal ng mga bilihin ngayon at ang pamasahe ko magkano, kulang kulang dalawang daan araw araw.Malamang nagtatampo rin ang mga kapatid ko dahil hindi man lang ako makapagtreat kapag sweldo ko at mga pamangkin ko hindi ko man lang mabilhan kahit ice cream.Wala lang, naibubulalas ko lang tong mga to dahil sobrang masama ang loob ko sa buhay.Heto na naman ako na nangangarap nasana ipinanganak akong mayaman,sana anak ako ng isang Lopez o Cojuangco.Pero hanggang pangarap na lang.
Marami akong issues sa bahay.Sa june gusto kong mag-aral ng kursong gusto ko, psychology o di kaya sociology para pagaralan ang buhay buhay ng mga tao.Para makita ko naman yung buhay ng iba.Pero mukhang malabo dahil wala akong perang pangtuition.kahit yata vocational course hindi ako makakakuha, asa pa ko na second degree.At ang taas ng pangarap ko, gusto ko pa sa UP Diliman.Sayang talaga,naging scholar nga ako ng DOST, hindi ko naman gusto ng course ko pati eskwelahan ko nga tinatakwil ko.Paano feeling ko lahat naging palpak sa apat na taon ko sa kolehiyo.Tinignan ko yung grades sa transcript ko, angbababa ng mga grades ko sa major subjects ko.Hindi talaga para sa akin ang math at logic.Pero kung pipili naman ako ng course na pang arts, hindi naman ako magkakapera dun.And I dunno kung artist talaga ko.masyado na ngang nasuppress yung pagiging artist ko,kaya nung huli akong nagattempt na magpainit, gumawa ng tula at sinubukang sumayaw, palpak lahat sila.
At oo naiisip ko si M.M.mahal ko siya sa depinisyon ko ng pagmamahal.Kasi sa edad kong ito iniisip ko, hindi ko pa rin alam ang meaning ng love.Marami kasi akong nasaktang tao.May mga tao rin na nagmamahal sakin na hindi ko naman naibabalik yung pagmamahal na binibigay nila.Sana sa buhay ko bago man lang mawala yung mga taong dumating para ipadama at ipakita na mahal nila ako.Maiparamdam ko sa kanila na mahal ko rin sila at maipakita ko sa kanila na mahalaga sila sa akin.Sana hindi ko sila mabalewala t sna maging sensitive ako sa nararamdaman nila.Sana rin maging mapayapa na at masaya ang puso.Kahit pa may dumating na problema, sana maging matalino na ko at matured para isolve sila.Sana maging organized na ang kalat kalat kong buhay.Sana lagi kong maisip na maganda ang buhay.=)