Sunday, June 26, 2005

Art and his Chocolate factory Dream =)


Natatandaan nyo ba yung commercial ng Goya chocolates,nung mga bata pa tayo?Yung commercial sa loob ng factory ng chocolate at mga candies.Lagi naming inaabangan yung ng pinsan kong si Cheche.Tuwang tuwa kami lalo na kapag naiisip namin na meron palang ilog na dinadaluyan ng tsokolate sa loob ng isang factory.Kaya nung grade one ako,nung tinanong ako ni Mrs. Dumangcas kung ano pangarap ko.Sabi ko "Maam gusto ko po magtrabaho sa factory ng mga chocolate."Nadismaya si Ma'am.Kacheapan daw ang pangarap ko."Angbabaw naman ng pangarap mo Arturo."Eh pakialam nyo,sa loob loob ko. Bata pa kasi kaya ganun pa kababaw ang pangarap. At bata pa lang ako masama na ugali ko. ahehehe.
Nung 1st yr Highschool ko nabasa ang libro ni Roald Dahl na "Charlie and the Chocolate Factory." Hiniram ko lang ito sa public library ng Gapo.Nung nabasa ko ito,natuwa ako kay Charlie,kay Veruca Salt at sa iba pang mga karakter ng nobelang ito.At muli,nagbalik na naman yung pangarap ko na magtrabaho sa pagawaan ng tsokolate. Kaya't ngayong may pelikula ng gagawin para sa librong ito na bida si Johnny Depp,inaabangan ko na maipalabas sya.Papanoorin ko ito at mangangarap akong muli.Babalikan ko yung mga pangarap ko nung bata pa lang ako.Kung saan at kung kailan hindi pa ganun kakumplikado ang mundo.

Heto ang plot.Mula sa Imdb.com

::Charlie and The Chocolate factory (2005)

Charlie Bucket comes from a poor family, and spends most of his time dreaming about the chocolate that he loves but usually can't afford. Things change when Willy Wonka, head of the very popular Wonka Chocolate empire, announces a contest in which five gold tickets have been hidden in chocolate bars and sent throughout the country. The kids who find the tickets will be taken on a tour of Wonka's chocolate factory and get a special glimpse of the wonders within. Charlie miraculously finds a ticket, along with four other children much naughtier than him. The tour of the factory will hold more than a few surprises for this bunch...
Para sa review,iclick lang ang link na ito:
www.imdb.com/title/tt0367594/

Naiisip nyo ba minsan na masarap talaga maging bata?Masarap maglaro at isipin na walang problema.Masarap maniwala sa imposible at paniwalaan ang mga bagay na kathang isip lang.Masarap isipin na simple lang ang buhay.
Muntik ko nang makalimutan yung pangarap ko na makapunta sa pabrika ng mga tsokolate.Pero hindi pala mamatay ang pangarap na yun.Hahanapin ko pa rin siya.Gusto kong isipin na hindi sya kuwento lang na gawa ng bata kong isip noon.=)

No comments: