Sa loob pa lang ng FX habang binabagtas nito ang North Expressway kagabi, nagiisip na ako ng idadahilan ko kay TC Dale para makapagabsent ako.Medyo nahirapan ako magisip.Wala naman akong sakit,ni sipon nga wala eh kaya kailangan ng kaunting dramahan dito.Pero mahirap yatang humanap ng bawang sa office na ilalagay sa kilikili.hehe.Mabigat na mabigat ang pakiramdam ko pag-upo sa station.Ni ayaw kong tumingin sa katabi ko.Ewan ko ba kung anong meron,alam kung may mga iniisip ako pero bakit pati trabaho ko kailangang maapektuhan.Hindi naman ako ganito dati.
Nagcheck lang ako ng email at updates, pagkatapos ay nilapitan ko si Meg.
"Meggy tinatamad ako maglog-in..."
"Eh bakit ka pa nagpakita, eh di sana nagfile ka na lang ng sick leave."
"bahala na, magpapaalam ako kay TC."
Fifteen minutes bago ako maglog-in, lumapit ako kay TC.Sinuot ko yung pagkakapal kapal kong jacket kahit hindi gaanong kalamigan nung mga oras na iyon.Kunwari'y nanginginig pa 'yung boses ko habang nakikiusap sa kanya:
"TC, kagagaling ko lang po sa sakit.(Tiyempo namang restday ko kahapon at di nya ko nakita.)Pwede po bang ifile ko na lang ito ng sick leave.Pinilit ko pong pumasok, akala ko kaya ko, kaso naulanan po kasi ako kanina at masama ang pakiramdam ko."
Si TC naman hindi nagdalawang-isip.Convincing ang arte ko.
"Oo nga eh, nanginginig ka pa.Umuwi ka na lang muna at magpahinga.May dala ka bang payong?"
Nakunsensiya akong bigla.Kahit nagsisinungaling pala ako concern pa rin 'tong TC ko sa akin.Anong magagawa ko eh hindi ko malabanan 'yung katamaran ko.Tao lang po.
May pabaon si TC bago ako pauwiin.
"Kaso lang Art bukas wag ka aabsent.Bukas darating yung Hurricane Rita sa Texas.Marami tayong calls.Critical day 'yun."
"Yes Tc."
Patay na.Balak ko pa namang umabsent uli.Wala talaga akong kagana-ganang pumasok.Paano'y pupunta kami sa Novaliches dahil dumating ang Tita ko na galing australia.Siyempre kailangang maambunan ng grasya.hehe.
Sa sobrang katamaran talaga, hindi na muna ako umuwi.Pumunta ako ng snooze box malapit sa pantry at natulog mula alas dose hanggang alas sais ng umaga.At dahil feeling ko kinulang ako sa tulog,'nung papauwi na ako,natulog uli ako sa bus papuntang Balagtas.Nagising na lang ako na nasa bus station na ko at kailangan pa kong gisingin ng driver dahil ako na lang ang tao sa loob ng bus.
No comments:
Post a Comment