Wednesday, September 14, 2005

Updates Updates

I am so sorry for not updating.I almost forgot na may blog pa pala ako.hehe.Sobrang busy lang talaga.I have a lot of things in mind that I wanted to write pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

---

I filed a vacation leave this september 15 and 16 tapos restday ko ng 18 and 19.So four days vacation ito.I have never been absent sa work since training started december 2004.Siguro its about time na magpahinga muna ako.Angdami na nagcocomment na sobrang payat ko na.Tignan ko lang kung tataba ka kapag 4 hrs biyahe mo everyday,3-5 hrs sleep,sometimes namimimiss ko pa kumain, tapos ang dami ko pang personal issues and problems na naiisip every now and then.Sabi ko nga kay Sarah,yung bestfriend ko, Mukha pa ba kong 23 ?hehe.I will take a leave para maipahinga ko utak ko at makapagisip.

---

Anyway,I have been with the escalation team for one month already, medyo nakapagadjust na ko kahit paano.Naeenjoy ko na 'yung ginagawa naminkahit kasuka suka yung mga calls.Pressured naman ngayon to maintain high quality scores, may consequence management na kasi ngayon so kailangan maganda ang metrics.

---

A month ago, I was planning to resign na talaga,I was thinking of transferring to another call center-RMH that call center located at ABS CBN compund.Anglaki kasing ng offer nila-salarywise.Jo, a friend, who used to be working at Amber, encouraged me na magapply, she told me na maraming perks as compared to amber.I asked permission from TC Jello and I even consulted some friends if this is the right thing to do pero most of them encouraged me not to resign.Nanghihinayang sila dahil it is just a matter of time para maging team captain ako.At that time marami kasing issues na kailangan kong ideal, yung salary namin, yung health ko,yung college degree ko at marami pang iba kaya medyo napagisipan ko na magresign.Inisip ko lahat ng sinabi ng mga kaibigan ko na maganda kahit napagisip isip ko na wag na munang magresign.Mas marami 'yung positive kesa sa negative.

---

I realized nung napunta ako sa escalation team, parang mas dumami mga friends ko hehe.May mga agents kasi na nagpapaesacalate na natatandaan 'yung name ko kasi hindi sila nahihirapang magpaescalate sa'kin.Yung ibang hindi ako pinapansin dati sa floor,ngayon kilala na nila ako.Some of them would even thanked me for taking their call and pacifying their difficult customer.Parang pakunswelo na lang siguro yun, sa hirap ng ginagawa namin at least kahit paano may ibang nakakaappreciate.

---

Last Saturday we went to san Pedro Laguna with some friends from Amber.Actually nakigulo lang ako dun, it was Jerick's bday celebration.Jerick is a teammate of my bestfriend Sarah.Ayun inuman tapos kuwentuhan galore.Then we went to a lake na malapit dun sa place.Umuulan ulan pa nun at maputik ang daan pero its all worth it dahil maganda 'yung view.Kodakan.I hope I can post some of our pics here.Then the day after, naganak naman ako sa binyag ng pamangkin ko si Nicole.Actually ang pinuntahan ko lang dun is yung reception which was held sa kamay kainan.Eat all you can ito.masarap 'yung food.Tatlong beses lang naman akong bumalik sa buffet table, lamon ito!Aayain ko nga sila Sarah na kumain dun once since may Kamay Kainan naman sa baba ng Market.After nung chibogan sa kamay kainan, sinamahan ko sa Mother sa Divisoria, we did a little shopping para sa mga gamit sa bahay, pangkurtina, pangcover ng sofa at siyempre mga damit na mura pero okay naman.I also bought myself Japeks na shoes hehe for 450bucks.wala lang share ko lang.

---

Kanina nakisabay na naman ako sa pagbuhos ng malakas na ulan.Bigla na lang ako naiyak habang nakahiga ako kanina pagdating galing sa work.Nagdadrama, nakatingin lang sa kisame.Paano, nagpapakabitter na naman.Iniisip yung nangyari kagabi...

Nakasabay ko si Ex sa MRT papasok sa work.Nung una hindi niya ko namukhaan dahil mahaba na buhok ko ngayon.Tapos ako na 'yung lumapit sa kanya.Nagkakuwentuhan kami sa MRT.Sabi niya sa Etelecare,(call center) na siya nagwowork.Matagal ko rin siyang hindi nakita, huli kaming nagkita isang taon na ang nakakaraan, sa MRT rin.Sabi niya pa, marami daw akong kasalanan sa kanya.At ako pa ang maraming kasalanan?Bakit niya ko binabaligtad?At nagkasumbatan na kami tungkol sa nangyari sa amin dati.Sinabi ko na kalimutan na natin yun.Pagkatapos nung tinanong ko siya kung committed siya ngayon, pinilit niyang ipakita sa akin yung picture ng buddy niya.Kahit pa sinabi kong "hindi ako interesadong makita siya, tinatanong ko lang kung committed ka?."Bago siya bumaba sa Buendia station, kinuha niya yung cellphone no. ko.Sinabi ko rin sa kanya bago siya bumaba na sana this will be the last time na makikita ko siya.Dahil akala niya nagjojoke lang ako sinabi ko na seryoso ako.Tumawa lang ang gago.

Angpait ko hehe.=)

No comments: