Monday, October 24, 2005

blogging senti mood

I so miss blogging.I so miss reading my friends' blog.I think this is the price of living away from home.Somehow,I felt so deprive of my right to express myself thru writing.Hirap ng walang PC.=(

Marami akong gustong isulat nitong mga nakaraang araw.Sobrang dami kong naiisip, yung bigla na lang out of the blue, may ideyang lalabas.Pero sayang at sumama na naman sila sa hangin.Nawala na lang sila na parang bula.Dahil sa ngayon hindi ko alam kung saan at paano magsisimula.

Nakakamiss magsulat sa blog.Although hindi lahat maisusulat ko dahil naiisip ko rin kung tama ba sabihin ko ang isang bagay na personal sa akin.Kaya naman hindi talaga lahat naisusulat ko dito.Pero sobrang laki ng naitulong ng blog na ito.Nakakamiss tumakbo dito sa mga sandaling masaya ka o kaya'y natatakot, nalulungkot, naghahanap ng mahihingahan ng sama ng loob.Ito kasing blog na ito, nakikinig lang at walang reklamo.Ewan ko lang kung sino sa mga kaibigan ko ang makikinig sa mababaw kong kuwento,malamang mapipilitan lang sila.
Marami din akong natutuhan sa mga blogs na nababasa ko mula sa ibang tao.Mga kuwentong kung minsa'y nakakarelate ako dahil nangyayari din sa akin.Mga kuwentong nagpapaalala sa akin na maganda ang buhay.
Hay,Sana tuloy tuloy na uli ang pagsusulat ko.

No comments: