Monday, October 24, 2005

Gimik weekend

Naiingit ako sa mga barkada (Sarah,Dave,Mitch,karen,Ibs, Jerrick) ko na pumunta sa Quezon this weekend.Tiyak na dami na naman nilang kuwento paguwi.Paalis pa lang iniinggit na ko ni Sarah nung sabado.Alam niya na masama loob ko dahil di ako nakasama.Ngayon lang ako nakamiss sa gimikan namin.Kaya tumuloy kaagad ako ng snooze box after the shift.Ayoko makita silang papaalis.Para talaga akong bata last Saturday na nagtampo sa kanila dahil hindi ako nakasama.hehe.talaga naman.

Sinasama rin ako ni Meg na magpunta sa Puerto Galera last saturday.This is my third time rin na tumanggi sa kanya.namiss ko na naman yung chance na magpunta sa galera.=(
---
Akala nila hindi ako nakagimik nung sabado.Yun ang akala nila.Nagsick leave ito kahit may shift ng alas dos para lang makalakwatsa.

Hindi alam ng mga kaibigan ko na mas pinili kong umattend sa isang swimming GEB ng isang SMS clan dito sa Bulacan nung Sabado.Wala akong kakilala dito.Naimbitahan lang ako.

Angtagal na kasing plano yun at mas nauna akong tumango dun.Pero no regrets, kahit pa mga bagong mukha yung nakasama ko,nagenjoy naman ako.

Masarap na may mga bago kang matatagpuang kaibigan na katulad mo.Ngayon narealized ko na kahit paano hindi ako nagiisa.

Angdami kong natutuhan sa grupong ito. At laking pasasalamat ko at may nabuong grupo kagaya nito dito sa Bulacan.

sa aking mga kaBROS, salamat sa isang gabi ng kasayahan.Dito pa lang nagsisimula ang lahat sa atin.Special mention sa mga taong ito,sana may pagkakataon na mabasa niyo ito.

Louie -Salamat chong sa pagsabay mo sa akin sa pagpunta sa GEB.At sa pagiisip mo ng idadahilan ko para makapagabsent.Salamat dahil lagi kang nasa tabi ko.Akala ko tatanga na lang ako dun at walang makakausap.Pero bilib ako sayo, sinamahan mo ako mula pagpunta sa GEB hanggang paguwi.Salamat sa pagtitiwala mo sa akin.Salamat sa pakikinig mo sa mga kuwento ko kahit pa gaano kaboring ito, pagpapahiram mo ng MP3 player,unan, kumot lahat lahat.Salamat sa friendship bracelet na binigay mo na hiniram ko lang.At sana wag ka na magtampo kung hindi ako nakakapgtext sayo.Busy lang po kung minsan.

Phat- I think makakasundo kita.sobrang kulit mo.masaya ko para sa inyo parekoy.sana magtagal kayo.At sana totoo yung kuwento mo na pinagbago ka niya.

Joey - kahit wala akong narinig na kuwento sa'yo at wala kang ginawa kundi magvideoke, salamat din po dahil sayo nakila ko sila Louie.kahit muntik pang hindi tayo magkita kita.dahil yung Mcdong sinasabi mo eh naging 7/11.

Jay R- hinay hinay ka sa paginom.Hintay ka lang sa kanya,darating din yun.hindi lang kayo magtagpo.Busy rin siya sa paghahanap sayo.Kung may problem ka txt mo uli ako, mag aala Joe d mango ulit ako para sayo.

Darne aka paolo-Panalo.naghakot ng awards.Ideal buddy, Miss congeniality, sexiest icon,lahat lahat na lang.sana walang lutuang nangyari at hindi napilitan lang yung mga members na bumuto sa yo.Next time ako na magooffer ng papel at printing para may cerificate din ako.pero aliw ka kahit panay lait namin sayo.Peace!=)

Japoy-kakaiba yung hirit nito kay darne."Kung darne ang pangalan ko, grade three pa lang magpapakamatay na ko."Pasensiya nageeavesdrop ako habang nagkukuwento ka kay Louie.Alam ko na kuwento ng buhay mo hehe.

Aj-suplado mo sa personal pare.Pero angdadaldal mo sa text.hehe.Ganyan ba talaga pag mga teacher?Ano po Sir?hehe.

Jole-kahit hindi tayo nakapagusap.Alam ko masaya ka ring kasama.Goodluck sa sports fest.

Ayz-bow ako sayo El Presidente.All around.Lahat ng kasipagan nakita ko sayo.u deserve to be in that post.sana maalagan mo yung group.

Josh and edz-Heto pa ang mga naghakot ng awards.swimming trunks kung swimming trunks ang laban.aliw ako sa dance steps niyo.haha.

Kyoh and the central team-kahit nangulelat tayo sa charades,saya pa rin.Hoy Kyoh,ano yung Chinese Bottom na sinasabi nila.Chinese Top ba meron?Wala namang movie na ganun?haha.

mark-alam ko na kung bakit ka nawala sa gitna ng charades.Wag ganun.walang iwanan.
Adrian-galing natin sa Charades ha.kahit kulelat tayo.Buti na lang nanjan ka.hehe.
Carlos-sayang talaga at hindi tayo nakapagusap ng matagal.Mabuti na lang at sumabay ka pauwi.Sana magkausap tayo uli.Wag ka magalala nakaunlimited na ko mahaba habang usapan ito.nalilito na ko tuloy kung richard o Carlos ang tatawag ko sa'yo.dami mo screen name.hehe.Sana totoo ka kahit iba iba yung pangalan mo.sana totoo yung sinasabi mo.

At sa lahat lahat ng nakilala ko sa BROS GEB, salamat.Its been nice meeting you.Sobrang nagenjoy ako.Sa susunod na gathering uli.sana masundan pa ito.Sana makasama ko.Inuman uli tayo.=P

No comments: