Thursday, November 18, 2004

ABNKKPGBLOG N PL AKO!

Nabasa nyo ba yung libro ni Bob Ong na "ABNKKBS N AKO?" Aliw yung librong yun.Sa public school din kasi ko galing, mula elementary hanggang college kaya nakakarelate talaga ko sa mga kuwento nya. Idol ko talaga yang si Bob Ong.Sa friendster, apat lang yata ung nahanap ko na classmates nung elementary.Sinubukan kong hanapin ung iba pero zero results ang lumalabas kapag nagsesearch ako.Twelve years na kasi na hindi ko sila nakikita.Sana nga ngayong December ay magkaroon kami ng reunion.Madalang pa sa patak ng ulan kasi kung mauwi ako ng Olongapo.Kaya nung makita ko ang classmate ko na si Jhona sa Friendster, nagpm (private message) kaagad ako sa kanya.Kamustahan.Updates.Bolahan.Kung may asawa na si ganito.Kung kamusta na ko.Heto dakilang tambay sabi ko. Sa pagpapalitan namin ng kuwento, nabanggit ni Jhona na namatay na yung isa naming classmate, si Jeffrey.nalunod daw nung nagswimming sa San Narciso,Zambales nung nakaraang taon.Kasama niya yung barkada nya, nagswimming don, pero sa kasamaang palad,hindi naging maganda yung pagpunta nila doon.Nagulat ako sa kuwentong ito.Pag mga patay na kasi ang pinaguusapan,iba yung pakiramdam ko. Sobra yung pagkalungkot ko.Naguilty rin ako dahil hindi ko man lang pinuntahan si Jeffrey nung lamay nya.Masaya ring kasama si Jeffrey,naalala ko nung nagkaroon ng Boyscout Jamboree nung Grade six.Magaling na leader si jeff, kaya nung elementary lagi akong naiinggit sa kanya dahil model student sya lagi.Sa mga lalaki sa section namin,kung sa academic ako (naks yabang), siya naman sa leadership.May isa pa kong naalala, nung nagkaroon ng drawing contest before sa Coca Cola, sumali kami ni Jeffrey.Ang ginamit niyang medium ay water color.Magkakasama kaming gumawa nun.Maganda yung gawa ni Jeffrey,pero aksidente talaga at di ko sinasadya, natabig ko yung tubig malapit sa pinagagawan nya at nabuhusan ko yung drawing nya.Doon ko nasubukan yung pasensya ni Jeff.Alam kong pagod na siyang gumawa at alam kong magagalit sya sakin, pero nakita ko na tinanggap nya yung sorry ko at inulit yung ginagawa nya.Bro, kung nasan ka man ngayon, sayang at hindi na kita makikita sa reunion.Pero bro kasama ka sa mga panalangin ko.Alam kong masaya ka kung nasan ka man ngayon. On a lighter note.instructor na pala si Jhona,ung isa kong classmate na nabanggit ko kanina,sa isang government college sa gapo.Nung elementary, nagkaroon ng cultural show sa school dahil may United nations celebration.Dahil singkit ako, naasign akong sumama sa iba pang mga singkit at kailangan naming magpresent ng Japanese dance.Nakasama ko si Jhona sa team na yun.walang magtuturo samin kaya nagbidabida ako, ako ang nagprisintang magturo sa mga kagrupo ko nung sayaw, na ewan ko kung anong dapat itawag dun.Basta yung mga napapanood ko sa TV, inapply ko lang.Hanggang ngaun natatawa pa ko pag naalala ko yun. Ang sabi ko sa kaniladaanin na lang namin sa costume at makeup.carry na yun.Manghihiram kami ng makukulay na kimono,tapos ung mga mata namin pasisingkitin pa namin lalo, yung parang nakapikit lang kami.Dalawa kaming lalaki at tatlo silang babae.Yung mga babae pinahiram ko ng payong, kasi yun yung napapanood ko na mga japanese show may mga payong yung babae na iniikot ikot lang.At kaming dalawa ni Eduardo hinaluan namain ng kaunting martial arts ung sayaw.Kahit nakatawa nakapagperform naman kami ng maayos.At atuwa samin yung mga teacher namin.Marami pa kong kuwento na nangyari nung elementary pero sa mgasusunod ko na lang na entry ilalalagay.


Tuesday, November 16, 2004

Job Hunting

Nakakaburaot na magapply.Kaninang umaga nagpunta ko sa enterprise center sa makati dahil matagal na kong kinukulit ng drake international(tatlong beses na yata akong tinawagan nito) , isa siyang recruitment firm na humahawak ng mga call centers.Tatlong linggo na kong naghahanap ng trabaho kaya kahit agency pa siya ay papatulan ko na.Hirap akong gumising kanina dahil malamig na ang hangin sa umaga,angsarap matulog.Kungsabagay lagi naman akong hirap gumising, ang gising ko sabi ni nanay gising mayaman, alas dose ng tanghali.Well, at least nakakatipid sya sa almusal ko.Malapit na talaga ang pasko, sobrang lamig na pag madaling araw. Pinilit kong maligo kahit malamig ang tubig at minadali kong ubusin yung nilutong almusal ni nanay.Mabilis naman ang naging biyahe ko, maluwag ang expressway kanina at nakaupo ako sa MRT,bihira lang itong mangyari .Nakarating ako sa Makati ng alas nueve.Biruin nyo isang oras lang ang binyahe ko mula dito sa Bulacan.Angganda talaga ng Makati, angsarap magtrabaho dito. Pero kakalyuhin yata ang mga paa ko sa paglakad, dahil walang ibang paraan para makarating sa ibang building kundi ang lumakad.At kailangan talaga may mapa ako pag pumupunta dito, mahina ako sa direksyon eh, pero makapal naman ang mukha kong magtanong. Sa madaling sabi, nakarating ako sa enterprise center mga 930.Siyempre pa kuntodo ngiti ako sa receptionist at pinilit na gamitin ung American Accent ko na natutuhan ko sa mga call center na pinagtrainingan ko."I have an appointment with Miss so and so...".Pero si Ms so and so ay wala pa daw.Lintsak alas nueve nya ko pinapunta dito ah.may apat akong applicant na kasabay, at isa lang kami ng taong hinihintay.Nakipagusap ako dun sa isa, hindi ko na kasi matandaan kung saan nakuha ung resume ko ng agency na to.Sa dami ba naman ng pinagpasahan ko.Sa jobstreet pala. Isang oras ako naghintay,pilit ko na lang inaliw ang sarili sa palabas sa cable sa reception area. Tinawag kami isa isa ng receptionist at pinakiusap sa telepono, nandun na pala si Ms so and so.Phone Interview siguro ang gagawin, sa loob loob ko.nang ako na ang tinawag, excited pa kong makipagusap.Ang bungad sakin ni Ms so and so,kung may nareceived daw ba kong txt mula sa kanila.Ang txt msg daw na un ay iniinform kami na postpone ang interview."Huwat?!"Imomove daw nila ang interview bukas.Mahinahong makipagusap si Ms so and so.At pilit pa kong inuto na bagong call center daw ung client nila at kung saka-sakali ay mapupunta ko sa pioneer batch.Sinabi kong hindi makakapunta bukas."Ireschedule natin sa Monday."Hindi ako sumagot, ipinasa ko na lang ang telepono sa isa pang aplikante at umalis ako kaagad agad sa building na yun.Habang naglalakad puro tangina ang lumabas sa bibig ko.Akala yata ng mga ito ang lapit lang ng pinangalingan ko.Hindi na ko interesado, hindi lang kau ang call center sa Pinas!Ang saya ng araw na ito.balak ko pa naman sanang magapply pa sa iba (pinaxerox ko ng 6 na kopya ang resume ko)at sayang ung piktyur ko, ipapamigay ko na nga lang sa mga fans ko.kaya ang ginawa ko na lang ay nanood ng sine sa SM.

Ang trabaho ko'y maghanap ng trabaho

Tagalog mode muna.Noon ko pa gustong magsulat sa tagalog subalit dahil nga sa pagkocall center ko kaya't nasimulan ko ang blog na ito sa Inglis,kaya sa ngaun trip ko naman magTaglish. Iniisip ko kung babaguhin ko na rin ang format ng blog ko,ayoko na munang magpakaconio pero ayoko rin namang magpakajologs.Ah basta sasabihin ko na lang kung ano ang gusto kong sabihin.Pasintabi sa mga mambabasa kong hindi nakakaintindi ng Tagalog.
Natutuwa ako sa mga blog na napili ng Philippine Blog Awards, ung iba sinave ko sa PC ko at binabasa ko kapag walang magawa.Mahusay talaga ang pinoy magsulat, ung iba magaganda at kapansin pansin din ang mga layout.Pag nagkapanahon, ililink ko sa blog ko ang mga ito.Mas ginanahan tuloy ako magblog at mas gusto kong pagbutihin ang pagsusulat ko.Sabagay ilang buwan pa lang naman akong nandito pero iba talaga ang feeling nasasabi mong lahat ang nasasaloob mo at natututo ka rin sa buhay ng ibang tao.malayo na talaga ang naabot ng teknolohiya ng Internet.
Bukas maghahanap muli ako ng trabaho, ang trabaho ko ngayon ay maghanap ng trabaho.Itatapak ko na naman ang mga paa ko sa Makati at Ortigas. Titingalain ko na naman ang mga matatayog na gusali na nandito.Sana isa sa mga gusaling nandon ay ampunin ako bago magpasko.Matutulog na nga ako.

Monday, November 15, 2004

I miss u

Since I am not in the blog mood tonight. I will just post this song:

I Miss You by Boyz II Men

Thought I heard your voice yesterday
When I turned around to say
That I loved you AND
I realize, that it was JUST my mind
Playing tricks on me

And it seems colder lately at night
And I try to sleep with the lights on
Every time the phone rings
I pray to God it's you
And I just can't believe
That we're through

I miss you
There's no other way to say it
And I can't deny it
I miss you
It's so easy to see
I miss you and me

Is it turning over this time
Have we really changed our minds about each other's love
All the feelings that we used to share
I refuse to believe
That you don't care

I miss you
There's no other way to say it
And I, and I can't deny it
I miss you
It's so easy to see
I miss you and me

I've got to gather MY SENSES together
I've been through WORSE kinds of weather
if it's over now
Then I'll be strong
Can't believe that you're gone
I've got to carry over

I miss you
There's no other way to say it
And I, and I can't deny it
I miss you
It's so easy to see
I miss you and me

Oh there's no other way to say it
I can't deny it
I miss you baby
It's so easy to see
I miss you and me

Oh no other way to say it
I miss you baby
There's no other
That you're PART OF ME NOW
That you're PART OF ME NOW
I miss you
Said I can't deny it
I, I, I, I miss you baby
It's so easy to see
I miss you and me

Monday, November 08, 2004

I am back

I am back from hibernating.Actually, as much as I want to update u guys with what's going on with me right now, there's nothing really new, except that I am now a full time pal(palamunin) again.I resigned fr Teletech bec I cant take the pressure of the job.Lets just say that everyone of us(those fr the call center industry) has his own call center and Teletech is not just for me.As simple as that.

Tindahan ni Aling Nena
We have this small sari sari store in front of the house and now that I am a bum, of course I have no choice now but to look out this fuckin store.I'm living with my mom and sometimes she will just leave all the responsibilities on me to manage it, from buying the stuff on the grocery to watchin out the store when she's not around.It sucks.In the afternoon while I'm in deep slumber wetdreaming and all, I would be disturbed with kids buying just one peso candy or these tambays who will ask u for a stick of cigarette.I wanted to throw the one peso coin on their face.And even if I want to take a bath or do my "stuff" there will always be distraction from these buyers.That's why our house has never been an option as a place for my SEB(sex eyeball) adventure.I know I could really be bitchy sometimes that I will just have to ignore them, I wouldnt care if they shout like hell just to catch my attention (attention my ass), I mean to let them buy of our stuff .You see its not easy to have a store but of course it has its perks also.Aside from getting commissions (kupit), I can eat anything I want and whenever I want to.Plus there are a few cuties who frequent the store.Career ito haha.I know my days of being a sari sari store diva will soon end as I finally find a job tomorrow.good luck to me.