Nakakaburaot na magapply.Kaninang umaga nagpunta ko sa enterprise center sa makati dahil matagal na kong kinukulit ng drake international(tatlong beses na yata akong tinawagan nito) , isa siyang recruitment firm na humahawak ng mga call centers.Tatlong linggo na kong naghahanap ng trabaho kaya kahit agency pa siya ay papatulan ko na.Hirap akong gumising kanina dahil malamig na ang hangin sa umaga,angsarap matulog.Kungsabagay lagi naman akong hirap gumising, ang gising ko sabi ni nanay gising mayaman, alas dose ng tanghali.Well, at least nakakatipid sya sa almusal ko.Malapit na talaga ang pasko, sobrang lamig na pag madaling araw. Pinilit kong maligo kahit malamig ang tubig at minadali kong ubusin yung nilutong almusal ni nanay.Mabilis naman ang naging biyahe ko, maluwag ang expressway kanina at nakaupo ako sa MRT,bihira lang itong mangyari .Nakarating ako sa Makati ng alas nueve.Biruin nyo isang oras lang ang binyahe ko mula dito sa Bulacan.Angganda talaga ng Makati, angsarap magtrabaho dito. Pero kakalyuhin yata ang mga paa ko sa paglakad, dahil walang ibang paraan para makarating sa ibang building kundi ang lumakad.At kailangan talaga may mapa ako pag pumupunta dito, mahina ako sa direksyon eh, pero makapal naman ang mukha kong magtanong. Sa madaling sabi, nakarating ako sa enterprise center mga 930.Siyempre pa kuntodo ngiti ako sa receptionist at pinilit na gamitin ung American Accent ko na natutuhan ko sa mga call center na pinagtrainingan ko."I have an appointment with Miss so and so...".Pero si Ms so and so ay wala pa daw.Lintsak alas nueve nya ko pinapunta dito ah.may apat akong applicant na kasabay, at isa lang kami ng taong hinihintay.Nakipagusap ako dun sa isa, hindi ko na kasi matandaan kung saan nakuha ung resume ko ng agency na to.Sa dami ba naman ng pinagpasahan ko.Sa jobstreet pala. Isang oras ako naghintay,pilit ko na lang inaliw ang sarili sa palabas sa cable sa reception area. Tinawag kami isa isa ng receptionist at pinakiusap sa telepono, nandun na pala si Ms so and so.Phone Interview siguro ang gagawin, sa loob loob ko.nang ako na ang tinawag, excited pa kong makipagusap.Ang bungad sakin ni Ms so and so,kung may nareceived daw ba kong txt mula sa kanila.Ang txt msg daw na un ay iniinform kami na postpone ang interview."Huwat?!"Imomove daw nila ang interview bukas.Mahinahong makipagusap si Ms so and so.At pilit pa kong inuto na bagong call center daw ung client nila at kung saka-sakali ay mapupunta ko sa pioneer batch.Sinabi kong hindi makakapunta bukas."Ireschedule natin sa Monday."Hindi ako sumagot, ipinasa ko na lang ang telepono sa isa pang aplikante at umalis ako kaagad agad sa building na yun.Habang naglalakad puro tangina ang lumabas sa bibig ko.Akala yata ng mga ito ang lapit lang ng pinangalingan ko.Hindi na ko interesado, hindi lang kau ang call center sa Pinas!Ang saya ng araw na ito.balak ko pa naman sanang magapply pa sa iba (pinaxerox ko ng 6 na kopya ang resume ko)at sayang ung piktyur ko, ipapamigay ko na nga lang sa mga fans ko.kaya ang ginawa ko na lang ay nanood ng sine sa SM.
No comments:
Post a Comment