Nabasa nyo ba yung libro ni Bob Ong na "ABNKKBS N AKO?" Aliw yung librong yun.Sa public school din kasi ko galing, mula elementary hanggang college kaya nakakarelate talaga ko sa mga kuwento nya. Idol ko talaga yang si Bob Ong.Sa friendster, apat lang yata ung nahanap ko na classmates nung elementary.Sinubukan kong hanapin ung iba pero zero results ang lumalabas kapag nagsesearch ako.Twelve years na kasi na hindi ko sila nakikita.Sana nga ngayong December ay magkaroon kami ng reunion.Madalang pa sa patak ng ulan kasi kung mauwi ako ng Olongapo.Kaya nung makita ko ang classmate ko na si Jhona sa Friendster, nagpm (private message) kaagad ako sa kanya.Kamustahan.Updates.Bolahan.Kung may asawa na si ganito.Kung kamusta na ko.Heto dakilang tambay sabi ko. Sa pagpapalitan namin ng kuwento, nabanggit ni Jhona na namatay na yung isa naming classmate, si Jeffrey.nalunod daw nung nagswimming sa San Narciso,Zambales nung nakaraang taon.Kasama niya yung barkada nya, nagswimming don, pero sa kasamaang palad,hindi naging maganda yung pagpunta nila doon.Nagulat ako sa kuwentong ito.Pag mga patay na kasi ang pinaguusapan,iba yung pakiramdam ko. Sobra yung pagkalungkot ko.Naguilty rin ako dahil hindi ko man lang pinuntahan si Jeffrey nung lamay nya.Masaya ring kasama si Jeffrey,naalala ko nung nagkaroon ng Boyscout Jamboree nung Grade six.Magaling na leader si jeff, kaya nung elementary lagi akong naiinggit sa kanya dahil model student sya lagi.Sa mga lalaki sa section namin,kung sa academic ako (naks yabang), siya naman sa leadership.May isa pa kong naalala, nung nagkaroon ng drawing contest before sa Coca Cola, sumali kami ni Jeffrey.Ang ginamit niyang medium ay water color.Magkakasama kaming gumawa nun.Maganda yung gawa ni Jeffrey,pero aksidente talaga at di ko sinasadya, natabig ko yung tubig malapit sa pinagagawan nya at nabuhusan ko yung drawing nya.Doon ko nasubukan yung pasensya ni Jeff.Alam kong pagod na siyang gumawa at alam kong magagalit sya sakin, pero nakita ko na tinanggap nya yung sorry ko at inulit yung ginagawa nya.Bro, kung nasan ka man ngayon, sayang at hindi na kita makikita sa reunion.Pero bro kasama ka sa mga panalangin ko.Alam kong masaya ka kung nasan ka man ngayon. On a lighter note.instructor na pala si Jhona,ung isa kong classmate na nabanggit ko kanina,sa isang government college sa gapo.Nung elementary, nagkaroon ng cultural show sa school dahil may United nations celebration.Dahil singkit ako, naasign akong sumama sa iba pang mga singkit at kailangan naming magpresent ng Japanese dance.Nakasama ko si Jhona sa team na yun.walang magtuturo samin kaya nagbidabida ako, ako ang nagprisintang magturo sa mga kagrupo ko nung sayaw, na ewan ko kung anong dapat itawag dun.Basta yung mga napapanood ko sa TV, inapply ko lang.Hanggang ngaun natatawa pa ko pag naalala ko yun. Ang sabi ko sa kaniladaanin na lang namin sa costume at makeup.carry na yun.Manghihiram kami ng makukulay na kimono,tapos ung mga mata namin pasisingkitin pa namin lalo, yung parang nakapikit lang kami.Dalawa kaming lalaki at tatlo silang babae.Yung mga babae pinahiram ko ng payong, kasi yun yung napapanood ko na mga japanese show may mga payong yung babae na iniikot ikot lang.At kaming dalawa ni Eduardo hinaluan namain ng kaunting martial arts ung sayaw.Kahit nakatawa nakapagperform naman kami ng maayos.At atuwa samin yung mga teacher namin.Marami pa kong kuwento na nangyari nung elementary pero sa mgasusunod ko na lang na entry ilalalagay.
No comments:
Post a Comment