TULOG
Sumama na yata sa dugo ko ang gatas na ininom ko kanina
ngunit hanggang ngayo’y di pa rin ako dalawin ng antok
kahit anong lamig pa ang dala ng gabi.
Bakit ikaw,
itinumba mo ang matapang na kape,
pero hayan at malayang namamaluktot,
yakap ang matigas na unan.
Pinapanood kita sa yong pagbiling-biling sa nilamutak na kutson.
at sa lumalalim mong pagtulog habang hinuhukay ko mag-isaang gabing iyon,
nabibingi rin ako sa hagok ng iyong paghilik -
hudyat na nagtagumpay ka na naman at narating ang mga panaginip.
Mag-isa ka na namang nakapaglakbaysa mga pangarap na dapat tayong dalawa ang aabot.
Nangako naman akong sasamahan kita kahit saan
ngunit bakit
hanggang sa panaginip di mo ako kayang pagtiwalaan.
Iniwan mo na naman akong nakatunganga…
naghihintaysa pagbabalik ng yong ulirat…
nag-aabang na sana’y bigla kang
maalimpungatan at makita mong gising pa pala ako sa tabi mo
at tila kuwagong nakamasid sa ‘yong paghimlay.
Naghihintayna kahit pakunwari,
kahit pasinghal pa,
kahit walang anumang lambing
sabihin mo sa akin, “tulog na tayo”.
By dead poet
Pinoy Exchange Arts and Literature Forum
Post Your Poem here Thread
Dec 27, 2003
(*Posted without the author's permission hehehe)
No comments:
Post a Comment