Friday, March 03, 2006

random random thoughts

Angtagal ko ring hindi nagblog.Nakakamiss din pala.Hindi naman ako naging busy, wala lang talaga akong gana magsulat nitong nakaraang buwan.Madalas nagbabasa lang ako ng mga blog ng mga kakilala at kaibigan.Tinitignan kong ano na nangyayari sa kanila.Actually angdami kong gustong isulat ,ang dami kong gustong sabihin pero ayaw makicoooperate ng utak ko.hehe.
---

Medyo masaya na ang atmosphere ngaun sa office.A lot of changes happened.Major changes I mean..And the changes really made all of us happy.First, the management gave us free internet access.Ngaun nakakaaccess na ako ng Friendster,Pex at Blogs dito sa work.Nakakapagchat rin ako using MSN, YM at Mirc.Astig di ba?They also provide us a new MMS capable cellphone.Although hindi siya high end, ang habol ko naman dun is ung free 500 load na binibigay nila every month.And the best of all the changes is increase sa salary namin.Marami ang hindi na magreresign dahil sa increase na ito.Probably the management realized how difficult outr position is,since we are handling sup calls and sobrang daming irate callers namin.Medyo malaki rin ung increase, aside from the allowance that they will give us.Hindi na talaga ako magreresign talaga kung ganito kasaya ang buhay.hehe.

Wohoo,It's already summer .My fave season of the year.para namang angdami nating seasonnoh?hehe.Meg and some of our officemates were planning to go to galera probably mid march and On April reunion naman ng college friends sa galera din.I have never been to Galera so I am really excited about it.I am also planning to go to baguio.Actually dapat pupunta ko nung Panagbenga pero sobrang dami ng tao nung time na yun so I don't think mageenjoy ako.Basta March or April or May, pupunta ako Baguio kahit ano mangyari.hehe.sana matuloy.

---
Now I know how it feels to have a pseudo-relationship.Sana I chose to be single na lang hindi ung ganitong malabo ang relationship na pinasok ko.Kaya nga sa friendster ang status na nakalagay sakin is "it's complicated."Dahil it is really complicated.Hay.
---
Madalas na yata ang atake ng depression sakin ngaun.Sobrang nagiging emotional na rin ako ngaun.Like nung tinignan ko ung Friendster profile nung ex gf (its actually an ex some years ago)ko and I found out na may anak at asawa na siya, bigla na lang ako at nalungkot.Bigla ko rin siyang namiss.Bigla ko ring naisip na sana anak naming dalawa ung bata.haha.isa na itong kabaliwan at hindi depresyon.At sana kaming dalawa pa.Pero malabo na mangyari un.I am so happy dahil kahit paano naalala niya pa rin ako.The other night naman while listening to some mushy music ay bigla na lang akong naiyak.tapos sabi ng ibang kaibigan nagiging matampuhin na rin ako sa mga simpleng bagay.Like simple favors na hindi naibibigay sakin.This is not me.hehe.Pero I try not to mind this
---
Nagkakaproblem na rin ako sa health ko ngaun.Nahihirapan ako umihi, baka daw may UTI ako sabi nung friend ko.Hindi naman ako nagpipigil umihi pero ewan ko kung bakit ako nagkaroon nito.Siguro dapat nga magpacheck up na ko.
---
Hindi na ko updated ngaun sa mga TV shows at movies.kay Ferdie lang ako nakikiupdate sa blog niya.The last movie I saw was Brokeback Mountain.Medyo recent rin naman kahit paano.

Anyone's watching PBB celebrity edition?Totoo ba na nagcome out na si Rustom padilla.hehe.Care niyo di ba?
---
O cg saka na ibang kuwento, magtatrabaho muna ko.=P

4 comments:

fUr/dee said...

hahaha!!!! ako nga din di na gaanong nakakanood ng tv e... yup, nag come out na si rustom sa national tv saying that he is gay.. halata naman e..hehehe... pumunta nga si robin padilla sa loob ng bahay ni kuya...

art, kilala ko ba yung "ex gf" u?? hmmm... pakiramdam ko kakilala ko...;) nang tsismis ano??? im happy at nag update ka na ng blog!!!! inaabangan ko talaga kayo ni my mag update e..hehehe.. tc.

sama naman ako sa galera...si charis nga nagpunta na last last week...

gusto ko ng galera get-away part 2!!!!;)

charis said...

brokeback mountain nmn pala last mong pinanood eh! ako last movie ko ata, memoirs na. dvd copy pa yun! last nood ko sa movie house, narnia pa ata.. ahh.. close to you rin pala!! :)

sa yo ko nga pala nakuha yung sa tag board.. :) hehe salamat!

kay ferdie.. bantayan mo rin yung blog ko.. :) hehehe.. :)

Art said...

oist ferdie.salamat sa pagbisita.medyo under construction pa siya,saka ko na ilalagay ung ibang links.medyo tinatamad pa ko.regarding PBB, nakikibalita lang ako dito sa office pero actually di ko siya napapanood.and with regards to that ex gf of mine,hindi mo po siya kilala.hehe.parang alam ko kung sino iniisip mo (at itago na lang natin siya sa pangalang grace merza) pero hindi po siya yung binanggit ko sa blog.defensive?!

charis, hi po.nakita ko blog mo, nagbago ka rin pala ng skin at medyo parehas tayo magkaiba lang ng kulay.hehe. anyway, ako lagi ko binabantayan blogs niyo.ayan ferdie nagtampo tuloy si cha kasi sabi mo blogs lang namin ni my ang binabantayan mo.hehe.peace.salamat po sa pagbisita.maguupdate na ko. promise

fUr/dee said...

hehehe... mas madalas kasi kaung mag update e..

peace cha.. pero peksman..binibisita ko yung mga blogs ng mga naka links sa blog site me...defensive ano?? hehehe;)