Friday, March 17, 2006

Usapang kaperahan

I dunno if it has something to do with being old and mature but I am now getting conscious when it comes to spending. really have to start applying a couple of tactics to save money.Kung may course nga lang sa money saving, I'll take several units of it.I have been working for about two years pero unfortunately kakaunti pa lang ang naipon ko.ewan ko siguro its about time na maging concious na ako sa pagastos ko.Ngayon I will keep track na lahat ng bibilhin ko at pag maglalabas ako ng pera, I'll make sure na kailangan ko talaga yung bibilhin ko.

Every month approximately heto ang gastusin ko.:
Apartment - 1500
Telephone bill-800
Food-4000
Transpo-500
bigay kay nanay -2000
Load sa cellphone-500
Luho (damit, spa, gimik,grocery personal stuff) -2000
Total 11300 almost 12000.actually sobrang waldas talaga ako sa pera.Lalo na sa pagkain.Obviously dahil yun ang pinakamalaki kong gastusin.roughly yan ang nagagastos ko.hindi ko naman talaga natatrack yung .pero ngaun tracker na ito kung tracker.hehe.I actually started tracking my expenses and saving this week.sana wa g ako magningas kugon.
Here's what I will do para makatipid.I got some of these suggestions from friends and ung iba, inisip ko.sana maisakatuparan ko silang lahat.hehehe.

1.Bumili ng alkansiya at ilagay lahat ng coins para makaipon.Hindi na lang pala ako bibili ng alkansiya, sa Pringles can or Bote ng mineral water ko na lang ilalagay.gastos pa pag bumili ng alkansiya eh.hehe.
2.magbukas ng savings acct,ung walang atm para mahirapan kang withdrawin.every sweldo maglagay ng 1000php.i will open a new account on Tuesday once I receive my salary.
3.Gamitin lang ang credit card for emergency.Actually hindi ko naman talaga ginagamit CC ko, utang pa rin yun.At hindi ko naman ugali mangutang eh.
4.Magbaon at wag nang kumain sa fastfood or restaurant.Doon na lang ako kakain sa leona's canteen, yung turo turo na malapit sa apartment.O kaya makikikain na lang ako sa may officemate na may baon.Kapal.
5.maglalakad na lang ako papunta sa work at pauwi sa apartment.Php7.50 rin pag sumakay ng jeep.At exercise din yun pag naglakad ako.
6.Iwasan na ang madalas na paggimik, panonood ng sine pagkatapos ng shift at paglalakwatsa sa weekend.magstay na lang sa bahay.Maglaro ng PC game, umarkila ng DVD.
7.hindi na iinom ng kape sa starbucks, ang mahal ng kape nila hehe.At masama ang madalas na pagkakape.
8.I learned this 7-2-1 rule sa peyups.com which I think is really useful:"follow the 7-2-1 rule" or something. Basta 70% of your income is pwedeng gastahin, 20% ay kailangang i-save for whatever you will need in the future (buy celfon, computer) and yung 10% hindi mo dapat gagalawin (pwede kung emergency) para pagtanda mo ay meron ka talagang savings."

9.Iwasang pumunta sa mall,bookstore , ukay, divisoria at quiapo.Dito nauubos ang pera ko eh, pagbili ng damit, DVDs at libro.Kung pwede manghihiram na lang ako DVDs at libro.At yung mga damit ko, dapat paubrahin ko na.Laba lang ang kailangan nun.

10.wag na muna manlibre.Wag magpadaan sa kantiyaw o pressur na nagpapalibre.Kung pwede magpalibre,by all means magpalibre.dagdagan ang kapal ng mukha.

11.wag muna pumasok sa relationship.magastos ang dates at panonood ng sine.lalo na pag maluho at materyalaistic yung buddy/kadate mo hehe

12.magdala lang ng tama pag aalis ng bahay.pamasahe at allowance.Iwan ang atm para wag matempt gumastos.

13.The best tip I got:" dont spend more than you earn."no explanation needed.

Pasensiya na yung iba jan, nahaluan lang ng kalokohan.Pero promise seryoso ako sa pagtitipid na to.Teka isip pa ko at magtatanong pa ko ng ibang tips.

5 comments:

fUr/dee said...

omg!!!! pwede bang mag classmate tau art??? ako din si "one-day-millionaire ferdie"... ang konsepto ko kasi e "behappy whatever it takes" hahaha!!! but really.. now i'm trying to be not so impulsive when it comes to buying...hehehe..

tama ka, pag pumupunta me sa cd/dvd store and NBS.. napapabitbit ako kahit di ko kailangan... so true. tried and tested na talaga on my part....;)

art said...

ferdie sana nakatulong ung pinost ko na tips hehe.ewan ko lang kung magawa ko, gastos kcngaung summer eh.dami out of town and swimming.nyway, hope ur enjoying ur summer.regards to ur cookie kahit d niya ko kilala

Punks said...

Actually ang style ko eh lahat ng sweldo ko shoot sa bangko, saka na lang ako huhugot ng barya sa ATM. Hehe. Saka natural na kuripot ako. Kahit na magunaw man ang mundo, kapag tinamaan ako ng kakuriputan o feel kong nauubos ang kayamanan ko, kahit singkong duling hindi ako naglalabas.

charis said...

sabi ko kay ferdie, ako na lang magcoconduct ng seminar niyo sa pagtitipid, magkano ba?!?! =D

siguro, sadyang kuripot rin lang talaga ako. nahihiya na nga ako kina ferdie at ayeth, pasaway kasi ako minsan, ako yung nililibre palagi.. =D

ang masasabi ko lang, bago mamili, isipin agad kung makakamura ba, kelangan ko ba tong bibilhin ko, sinong makikinabang (nakakarami ba?), kung maii-share ko ba to, at kung magsisisi ba ko sa huli dahil gumastos na naman ako. kung oo ang sagot, go, ok yan, sulit! pero kung hindi kahit isa, wag munang mamili, may tamang panahon para sa bagay na yan.. :) heheh.. ayus ba? dakilang kuripot din siguro ako.. hehehe... :D

art said...

joms:so kahit magunaw na ang mundo hindi ako makakatikim ng libre mo?hehe

cha:kelangan ko ng tulong mo , paseminar ka nga hehe.sana ganyan ako magisip at gumastos tulad mo.minsan kasi hindi ko na iniisip kung sino makikinabang etc etc, madali ako maexcite pag may pera.hehe.

Thanks sa mga comments niyo. :)