Friday, October 27, 2006

Twenty Pics

Maybe I was expecting too much because this is the first time I saw her performed live.
Regine Velasquez' 20th anniversary concert is not as fabulous as her R2K concert.But it is not bad either.May mga songs na kinilabutan talaga ako like The music of Goodbye and Love Me Again. She received a lot of standing ovations from the audience lalo na kung bumibirit siya.She even said na paos siya because that was the 2nd day.Some friends told me that they heard a lot of bad reviews.Mga detractors niya lang yun , I said.Let's just say the show was good enough.She was still able to show her vocal prowess.
And my sister enjoyed it.So ok na rin.Puno pa rin ang Araneta.Regine Velasquez is still Regine Velasquez. I am sorry ngaun ko lang mapopost ang pictures.Sira kasi PC ko sa bahay.


Enjoy some of the snapshots. More on my multiply site.

Moi and my sister


"Naaalala ko pa ang aking istorya mula nang ako'y magsimula. Unang awit na aking namemorya ay turo ni Mang Gerry. Habang nag-gigitara naman si Mommy V. Nais n'yo bang marinig?"


Ibalik ang kahapon, sandaling di mapapantayan Huwag sana nating itapon, pagmamahal na tapat


I'm yours exclusively Right now we live and breathe Each other



With the light that you give in, it's true I am shining on,all because of you

You kissed me with your eyes And in your arms I fly again




Now we're here together yesterday has passed Life is just beginning, close to you at last



Please love me again Love me again, I'll do anything for you



Ang pangarap ko'y nagmula sayo Sa iyong mundo ang puso ko'y nakalimot


Learning to love yourself, is the greatest love of all



I never knew what love was til I met you

Saturday, October 21, 2006

Call Center Causes Damage to Mental Health???

I dunno who was the source of this news because I just got this from my email.This is a good read though.
read my insights at the end of the article.


PLDT myDSL Call Center Agent Curses at Caller

It was an ordinary day for Catherine Rossana (as she repeatedly said on the other end, as her real name) in her work as a customer service representative for PLDT myDSL.


Then came Raul Bacaldo, who came a calling one day complaining that his DSL connection is still down after 2 days and he needs it badly for an iFreedom VOIP call to the US to finalize his itenerary for his trip to the US.

Roughly, their confrontation went this line:

Catherine: Thank you for calling DSL Helpdesk, this is Cathy, good morning.

Raul: Good Morning. Yes, i called because we still do not have dsl since yesterday.

Catherine: Just a moment sir, i will check on your details.(then the usual asking of subscriber account details)..

after checking, Catherine says that there is a software adjustment in the area and will not be able to promise a definite time when it will be back.

Raul: So, i will still be paying for the days that our net is down?

Catherine: Yes, but i can help you to set up on a rebate for the days that you dont have net.

Raul, asked for a supervisor...Catherine refused saying the supervisor will report to work later in the day..

Raul: F$@k your company and the hassle it brings..

Catherine thinking that she had pressed the Mute button on her Avaya was clearly heard saying: F$@k You, why are you acting that way...

Raul: Why are you cussing at me? F$@k you too..

Catherine still did not realize that she pressed the wrong button and not the Mute button, denied repeatedly ever cursing.

Then she went hysterical and cried saying that she is just an employee and that Raul didnt have the right to curse her..
Raul said that he did not curse her but at the hassle that the situation is giving and it is uncalled for to curse him which Catherine still denied but is very clear on the tape that she cussed. Raul then repeatedly cursed at Catherine and asked for a supervisor which she replied by hanging up...

Thats a rough translation so dont blame me if you sided with anyone. This was in the news on Bandila( ABS-CBN) today, headlining it as Call Center Causes Damage to Mental Health..


---

For somebody who is also working in a call center (who get calls such as that everyday,since I work for an electric utility provider ), this is my point of view:

First i dont think that call center work will cause damage to mental health.Maybe the working environment of the call center has an effect to the attitude of agents but not on his/her mental health.If the agent is properly trained and professional (and have good manners), no matter how difficult a call is,the customer\'s issue will be resolved without going thru cussing and all that shit.

Being a customer service agent, you should be ready for this kind of things that could happen, or worst.If a customer is irate, dont take it personally.They were mad at situation or companys policy, so dont think that they are against you or upset talking to you.I know this is really stressful, but thats our job.We need A LOT of patience and understanding.Also we need to be professional at all times.Releasing a call is a No-no, marami nang naterminate sa office namin dahil diyan.If the call is really difficult, theres the mute and hold button, you just have to familiarize yourself on how to use them.

On the other hand,that customer raul is at fault for being improper and expletive.I am also a customer myself but I know how to control my temper.Maybe because I work in the same business so I learn how to put myself in the agent\'s shoes but lemme tell you that CSRs are being paid to assist customers, answer calls etc. WE are never paid to be shouted,cussed at.And beside enduring verbal abuse , profanity would not help solving the problem.

Parehong talo yung agent at customer.

Thursday, October 19, 2006

Para Kay Cecilia

Hindi ko alam kong makakarating sa iyo ang liham na ito.Wala kasing makapagturo kung nasaan ka.Pero alam ko sa tamang lugar at panahon, kung meron pa mang matatawag na tamang panahon para sa atin, ay malalaman mo ang puso at damdamin ko.Ipagpaumanhin mo na lahat ng kababawan at sentimiyento na mababasa mo dito.Marahil naipon lang lahat ng gusto kong sabihin sa iyo sa tagal ng hindi natin paguusap.
Alam mo bang pinaiyak mo ko sa balitang narinig ko tungkol sa iyo.Ginagantihan mo yata ako sa madalas kong pagpapaiyak sa iyo noong mga bata pa tayo.

Lagi ka kasi naming binubuska ng kapatid mong si Japoy kapag naglalaro tayo ng bahay-bahayan nung mga paslit pa tayo.Paano lagi mong idinadahilan ang pagiging nanay-nanayan mo para utusan kami.Kaya para makaganti,hindi nanay ang tinatawag namin sa iyo kundi Inday.Lagi mo rin sinasabi noon na kamukha mo 'yung artistang si Aiko Melendez.Bata ka pa ang laki na ng bilib mo sa sarili.Kaya naman ang sinasabi namin lagi ay ang kamukha mo ay si Zoraida sanchez.Lagi rin namin ginagaya 'yung dialogue ni Roderick paulate sa Petrang Kabayo para asarin ka.Kapag napipikon ka sa amin ay umiiyak ka na lang.Marahil nakaugalian ko nang asarin ka dahil gustong gusto kong nakikita lumuluha ka.napakaganda kasi ng mukha mo kapag umiiyak ka.

Sa totoo lang,naiinis ako noon sa iyo dahil lagi mo akong inuutusan na gumawa ng eroplano at bangkang papel.Sabi mo magaling akong gumawa nito at balang araw ibibili mo ako ng totoong bangka at eroplano.Kapag pinaghuhugas ka ng plato o pinamamalantsa ng damit ng Tiya meding, lagi mo rin akong hinahatak na alalay.

Pero kahit ganun ka, ikaw ang bestfriend ko.Ikaw pa rin ang pinakakasundo ko sa mga pinsan ko.Ikaw lang kasi ang matiyagang magturo sakin mag-Ingles at bumasa ng abakada.Ikaw rin ang kasama kong manood ng TV para manood ng Okay Ka Fairy ko at Regal Shocker.Ikaw rin ang nagsasabi kay Tiyo chris na bilhan ako ng sapatos at damit kasi luma na yung gamit ko.Kapag dumarating ka mula eskwela ay may dala kang kendi o lapis para sa akin.Ikaw rin ang nagtatanggol sakin kapag tinutukso akong lampa ng iba nating mga pinsan. Lagi na lang tayong magkasama at napagkakamalang magkapatid.Oo nga pala muntik ko nang makalimutan,ako rin ang escort mo nung lumaban ka sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga!.Iyon nga lang natalo ka.Ang panget kasi ng sagot mo nung tanungin nila kung ano pipiliin mo , maging matalino ba o maganda?Sabi mo mas gusto mo ang maganda.At heto pa, natatandaan mo rin ba nung naglaro tayo ng taguan don sa bahay nila Nana Lumeng?Iyong malaking bahay dun sa tabi ng luma naming bahay sa Balagtas?Noong wala tayong mapagtaguan doon tayo pumasok sa loob ng lumang aparador na muntik pa tayong makulong.Iyak ka rin ng iyak nun.Pero sabi ko wag kang magalala.
Di ba hinalikan pa nga kita?Hindi sa pisngi kundi sa labi.Ikaw pala ang first kiss ko.Pero dumating sila Junjun, nakita pala nila ang paghalik ko sa iyo.Simula nun naging tampulan na tayo ng tukso.Nang mabalitaan ng nanay, ang sabi,masama daw 'yung ginawa natin kasi magpinsan tayo.Eh anong malay natin, mga bata pa tayo nun?At wala namang malisya 'yung paghalik ko sayo.Kaya tuloy sapul noon ay nagkailangan na tayo.Pero ngayong nilamon na ng malisya ang utak ko,naiisip ko pa rin ang inosenteng halik na iyon.

Natatandaan mo nung pumunta tayo sa Luneta 'nung minsan magbakasyon ako sa inyo?Akala ko nga nun mamamasyal lang tayo sa Luneta pero sabi mo may pupuntahan si Tito at tita sa embassy.Umiiyak ka kasi sabi mo hindi na tayo muli pang magkikita.Hindi ako umiyak nun.malay ba naman ng bata kong isip kung saang lupalop itong Australia na sinasabi mo.Pero sabi mo mahal na mahal mo ako at bagamat aalis ka babalik ka rin at magkikita tayo.
Noong nandoon ka na,hindi ko naman naramdaman na napakalayo mo.Masipag ka magsulat.Minsan pa nga'y tumatawag ka sa telepono para mangumusta lang.Sinusumbong mo sa akin ang mga kakalase mong puti na nangaapi sa iyo.Ibinibida mo na ikaw ang pinakamarunong sa klase.Pero ewan ko at biglang nagbago ang ihip ng hangin at naging madalang pa sa patak ng ulan ang pagsulat mo.Lagi kong iniisip na siguro abala ka sa maraming bagay.mahirap naman kasing manirahan sa ibang bansa eh.

Alam mo bang nung papabalik ka pagkatapos ng limang taon para magbakasyon dito ay hindi magkamayaw ang excitement na nadarama ko?Nagpagupit ako ng buhok,bumili ng bagong damit at pantalon.Mistula akong aakyat ng ligaw sa paghahandang ginawa ko.Lumiban pa nga ako sa klase dahil doon.Pero nung magkita tayo ay tila napipi tayong pareho.Para tayong hindi magkakilala.Niha niho ay walang narinig mula sa isa't isa.Parang hindi mo na matandaan ang pinsan mong si Atoy.Hindi ko rin lubos na maisip na ikaw ang pinsan kong si Che che.Mas lalo kang gumanda.Natakot akong lumapit at makipagusap sa iyo.Tila kasi naging liberal na ang pagkilos at pananalita mo.Ikaw nga ba ang nagbago o marahil ako na ang naglayo ng sarili ko sa iyo?Mas pinili mo ding makihalubilo noon sa pinsan nating babae na kasing idad mo.Naisip kong habang tumatanda ang tao,nagbabago rin siguro ang kagustuhan nito.At isa pa ,mga dalaga at binata na tayo, hindi na siguro tama na makita na lagi tayong magkasama.

Tuwing ikalawang taon ay nagbabakasyon ka mula sa Australia.Sumasama pa rin ako sa reunion upang makita ka pero duwag pa ring lumapit sa iyo.Ni hindi ko maipakilala ang sarili ko na pinsan mo.Alam kong alam mo na magpinsan tayo dahil nagpapadala ako ng mga larawan sayo.At alam kong hindi ganun kahina ang memorya mo para malimot mo ako.

Kamakailan ay hindi ka na bumalik.Wala na rin akong natanggap na sulat o tawag mula sa iyo.

Hanggang tumawag ang tiya kanina.
Hindi ako makapaniwala sa balitang narinig ko.Dalawang buwan ka na daw buntis at ayaw panagutan ng lalaki 'yung ipinagdadala mo.
Nagngingitngit ako sa galit.Naluha at sinuntok ko ang pader at nagmura.Nagalit ako sa iyo at sa ama ng bata.Alam ko na hindi pagmamahal kung hindi libog lang ang namagitan sa inyong dalawa.Paanong nagawa kang lokohin ng hayop na iyon?

Buong pagaakala ko ay matalino ka.Sinabi mo sa akin na ano't anuman ang mangyari, magtatapos ka muna ng pag-aaral bago mag asawa.Hindi ka marunong tumupad sa mga pangako mo.

Hindi ba nung pinagagawa mo ko ng eroplano at bangkang papel, sinabi mo na sabay nating aabutin ang mga pangarap natin ?na sabay tayong sasakay sa mga totoong barko at eroplano?Alam mo bang isa ka sa mga inspirasyon ko kaya pinilit kong magkadiploma kahit naghihikahos kami sa buhay?sa susunod na taon ay magtatapos na ko. Gusto ko sanang pagipunan ang pagpunta diyan.Pero nawalan na yata ako ng gana at pagasa dahil sa pangyayaring ito.

Ang huli kong balita ay umalis ka na sa bahay nila Tiya.Ang sabi nila'y nalulong ka daw sa droga at kung kani kaninong lalaki sumasama.Tinangka ka nilang dalhin sa rehab pero mas lalo kang nagrebelde.Alam kong hindi mo magagawa iyon.Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila.Hindi ka nila kilala kagaya ng pagkakakilala ko.

Cecilia,gusto kong puntahan ka at sabihin sa'yo na napakahalaga mo sa buhay ko.Na mahal na mahal kita.Na kaya kong panagutan ang batang pinagdadala mo.Pero ang idinidikta ng utak ko ay pawang kahibangan ang lahat ng ito.Mali ang nararamdaman ko.Mali ang ibigin ka dahil magkadugo tayo.Pero mahirap turuan ang puso.Mahal kita simula noong mga bata pa tayo.Mahal kita sa hindi maipaliwanag na dahilan, Basta't ang tanging alam ko,binago mo ang mundo ko.Binigyan mo ko ng inspirasyon.Naduwag man ako noon, ngayon gusto kong malaman mo ang matagal ko nang kinikimkim na damdaming ito.Alam mo bang naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para sa ating dalawa.Lahat ng pinakamaliit na detalye ng alaala ng pagkabata natin ay iniingatan ko.Dahil iyon na lang ang meron ako sa iyo.Umaaasa ako na darating ang panahon na aalalahanin at maibabahagi sa'yo ang lahat ng iyon kung sakaling nalimot mo na.Kung dumating man ang araw na iyon, ako na ang magiging pinakamaligayang lalaki sa mundo.

Siguro nga isa lang itong twist sa pelikula ng ating masalimuot na buhay.Kagaya ng mga napanood ko nang kuwento,sa huli marahil tayo pa rin ang para sa isa't isa.Sana ako na lang gagawa ng sarili nating kuwento, marahil ay palalabasin ko na isa sa atin ay ampon ng ating nakagisnang pamilya.Malalaman natin sa huli,na tayo pala ay hindi magkadugo.Nang sa ganun ay maipaglaban kita.Nang sa ganun ay wala nang bawal na pag-ibig.Pero naisip ko rin na may mga pelikula na trahedya ang nagiging hangganan.Harinawa'y ang sa atin ay may naghihintay na magandang wakas.
____

***Ito po ay kathang isip lamang.Isang pagtatangkang magsulat ng kuwento tungkol sa bawal na pagibig.

Wednesday, October 11, 2006

Twenty



My sister and I will be watching Regine Velasquez 20th Anniversary Concert at araneta Coliseum on October 14th.This is my first time to watch her live in the Big Dome.I am not really a Regine fan ( my sister is) but I admire her talent plus she is a Bulakenya.Kababayan ko ito so susuportahan ko.I might also watch her movie with Robin ('Til I met You).

sabi ko nga hindi ako Regine fan eh.hehe.

Friday, October 06, 2006

alambre

I am officially a member of the metal mouth society - yung mga batang may bakal sa ngipin.

I am already wearing braces.

At hindi nakakatuwa ang may alambre sa ngipin.One week pa lang pagkakabit nito gusto ko na siyang ipatanggal.Sobrang hindi ako komportable.Mahirap kumain.Mahirap linisin kapag may tinga.Masakit sa bulsa ang pagmamaintain -cleaning and adjustments every month etc.

Wrong business decision.Pero wala na kong magagawa nandito na siya.Syang naman yung ibinayad ko kung ipatatanggal ko ito.At kailangan ko pang magtiis for a year or two bago ito matanggal.

Masyado na nga ba akong nagiging vain?Pero kailangan ko talaga.Hindi ako nagpalagay nito para ipamporma kagaya ng iba,kailangan ko talaga maiadjust ang ngipin ko.Big deal siguro sa iba pero this an investment na rin sa sarili.sabi nga ng teammate kong si jayson "My smile would launch a thousand bucks worth of metals".yeah right.

Dito lang naman sa'tin sa Pinas big deal ang magpalagay nito.Some people would associate having braces with being wealthy but the truth is sa ibang bansa,this is a sign of abnormality.
---
Hay, nakakapagod na mag callcenter.Three years na kong ganito.kailan ba ko makakaalis dito?Kung hindi lang talaga magpapasko.magreresign na ko.Gusto ko na makatulog sa gabi.


...They pay me for my american accent
i got money to pay my rent

this is only temporary
i am not really in a hurry
i will party all morning, work all night
i will date my honey in the broad day light

i will be at the the call center till something better gets along my way
its been a long long day hey hey...

-From Pinoy Dream Academy
Composed by raymund marasigan