Patutunguhan
from http://www.tabulas.com/~sikeroh
bakit nga ba ako nag-aaral?
trabaho?
duhh.. malamang.
ang tanong,
ano nga bang trabaho ang
patutunguhan ko...
kung mayroon man.
sa kasalukuyan,
kumukuha ako ng isang kursong siyensya
sa isang pamantasang punong-puno ng matatalinong chicks.
ang sarap ng buhay.
pero hindi ako sigurado sa kursong tinahak ko.
hmmm...
mga kompyuter, mga sistema, matitigas na bagay [hardware],
nanlalambot na bagay [software], mga trabahong-lambat [networks]...
iilan lamang iyan sa mga pilit isinasaksak ng aking kurso
sa kokote kong ang hilig lamang ay
makipagharutan sa mga salita\'t pangungusap.
hay...
kurso-shmurso... hindi na importante \'yon.
ang mahalaga, makapagtapos,
at makakuha ng diploma.
ang iniisip ko lang naman ngayon ay ang aking patutunguhan.
saan nga ba ako mapapadpad pagkatapos ng kolehiyo?
marami na akong naging pangarap.
noong maliit pa nga ako,
hindi man kapani-paniwala,
pumasok sa isip kong magpari.
pwede \'di ba?!
hahaha...
pero anyway, noong tumagal-tagal,
naisip ko na mas gusto ko palang
magkaroon ng girlfriend kaysa sa magsawsaw ng hostya sa alak.
kaya ayun, bye bye fr. cadayona.
next.
noong pumasok ako sa kolehiyo,
iba na ang naging pangarap ko.
gusto ko na maging boss ng isang malaking kompanya.
alam mo \'yon,
\'yong tipong naglalaro na lang ng golf sa loob ng opisina,
habang nakasoot ng amerikana\'t
kumikita ng limpak-limpak na salapi.
[at siyempre kasama na rin sa package \'yong cute na sekretarya]
haay..
pera pera pera...
golf golf pera...
hindi na nga rin ako makapaghintay na isigaw ang mga salitang
\"%@#$^@#$^% mo! you\'re fired!\"
ang sarap siguro maging boss na ang hilig lamang ay babae\'t pera.
... golf rin pala.
pero.
ang pangit.
sino ba linoloko ko.
hindi ko maaatim na maging isang hinayupak na boss.
ngayon pa lamang,
hindi ko na nararamdaman ang fulfillment sa ganoong klaseng trabaho.
hindi siya masaya...
hindi siya maganda....
hindi siya ... ako.
ngayon,
hindi pa rin ako gaanong sigurado sa aking tatahakin.
ngunit may dalawang bagay na akong nais gawin pagkatapos ko
sa kolehiyo.
nais kong magsulat ng libro
at nais kong magturo.
oo... kasi.
nais kong maging bahagi ng mga susunod pang henerasyon.
nais kong masaksihan ang mga pagbabago sa ating mundo.
ang mga pagbabago sa ugali ng bagong kabataan,
mga pagbabago sa kanilang baon tuwing recess at lunch,
mga pagbabago sa kanilang pananalita,
pagbabago sa kanilang ugali,
pagbabago sa kasarian?!
pagbabago.
basta...
nais kong manatiling buhay sa katauhan ng mga batang
magpapatakbo ng mga susunod na eksena.
nais kong makatulong.
hmmm... as to how a typical atenista would say,
\"i would strive to be a catalyst for change\"
yuck... ang corny.
syet...
ano kaya mangyayari sa aking mga estudyante?
hahaha...
bahala na.
basta ako,
magtuturo.
hmmm
pero teka.. may lovelife nga ba ang mga guro?
[si ms.****, si sir****... hindi eh... syet magtuturo pa ba ako?]
ibang usapan na yata \'to.
uhhh....
-----
Natuwa ako ng mabasa ko ang artikulong ito.Naalala ko,ganito rin ang mga naiisip ko \'nung nasa kolehiyo ako.Hindi ako sigurado at hindi rin interesado sa kursong kinuha ko.Marami akong pangarap para sa sarili ko.Nandiyang gusto kong maging manunulat, doktor at teacher.Pero naglaho ang mga pangarap na iyon.Pinilit kung ginusto ang hindi ko gusto.Ang alam kong importante ng mga panahong iyon ay ang makakuha ng diploma.Kaya ipinasantabi ko na lang muna ang iba kong pangarap.
Naisip ko rin na ang bagsak ko na lang ay sa isang opisina.Kaharap ang isang kompyuter, gumagawa ng mga programs o nagdidisenyo ng website.maaga kong natanggap na iyon na ang magiging buhay ko.Pero kahit hanggang makagraduate, laging naglalaro sa isip ko na hindi ako magiging masaya kung iyon ang magiging trabaho ko.
Pagkatapos grumaduate.Nangarap akong muli na balang araw makakapagsulat at makapagturo din ako.Gusto ko rin magbahgi ng kaalaman ko.
Ngaun at nagtatrabaho na ako.Heto ako ngaun,tagasagot ng telepono at minumura ng mga Amerikano.sa ilang kadahilanan ay iba na naman ang tinahak kong daan.Hindi ko rin naisip dati na sa anitong klaseng trabaho ako mapupunta.
Naging masaya sa una pero pagtagal ay sumasagi din sa isip ko na hindi ito ang gusto kong gawin.Hindi ko dito mahahanap ang fulfillment na hinahanap ko.
Hanggang ngaun nanatiling malayo at malabo ang patutunguhan ko.Hanggang ngayon hindi ako sigurado sa aking pupuntahan....
No comments:
Post a Comment