Kuwarto
by Sugarfree
Naglilinis ako ng aking kuwarto
Na punong-puno ng gamit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraan hindi na puwedeng pagpaliban
Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayon kailangan ng itapon
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon....
Ang jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon...
Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kuwarto't naroon siya
Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa iyo...
Magpapaalam na sa iyo...
Magpapaalam na sa iyo...
Magpapaalam na sa iyo...
---
I spent the entire Sunday cleaning my room. Angsarap ng feeling na maaliwalas ang paligid mo. Ito talaga 'yung pangtanggal ko ng stress, pag nakita kong maayos at malinis ang kuwarto ko.Pero I am not yet completely done,sana nga lang may incinerator kami dito sa bahay,angdami ko kasing mga basurang kailangang sunugin dito.Matagal-tagal rin kasi akong naggeneral cleaning, kaya pinilit kong irecall 'yung 5s na tinuro nung college-Sort, systematize,sanitize,standardize,self-discipline.Oo may subject kami nung college tungkol sa pagiging organize (Quality concious,habits and processes) at uno ko dun sa subject na 'yun hehe.
I am no obssessive-compulsive pero I am the the type of person na gusto ng maraming space.Kaya mapagtapon ako ng basura.At kulang ang isang buong araw sa paglilinis ng kuwarto ko kaya itutuloy ko na lang ito tomorrow or the next day since for this week, my off will be on tuesday and wednesday.
---
Natutuwa rin ako kapag naglilinis ako at may mga bagay akongdi sinasadya ay nakukuha at nadidiskubre.Minsan mga bills and coins na nakaipit kung saan saan.Katulad kanina I found my old wallet na may mga 10 peso bills.Kahit mga small bills lang ito, pag pinagsama sama mo, voila, may pambili na ko ng internet cardo kaya'y isang frap sa Star Bucks.May mga damit na nakatambak lang pala na sobrang tagal mo na hinahanap.Mga gamit na tinatago mo dahil sa sentimental value nito kahit hindi na magagamit pero kapag nakita mo bigla na lang may mga tao at mga bagay kang kang maaalala.
---
I also chanced upon compilation of love letters ng sister ko.The letters are from her suitors when she was still in college,mga late eighties to early nineties yung dates sa letters,kung kailan hindi pa uso ang email at text messaging.Nakasulat pa ang mga ito sa mga floral at scented na stationeries.Some letters are really cheezy and funny,here are some parts from those letters na naaliw akong basahin.
"I know that you have been hurt by a man (natural alangan namang woman hindi naman tibo sis ko) who did not deserve any part of your life but let me change it and so you'll know that my love is true". yeah right.
"When I hide this feelings, it hurts me a lot, like the song said, it would take a strong strong man to ever let you go, but I am not strong enough to let you go so I am telling you that you are very important to me. Because I love you."Strong man ka jan.
"Do you believe at the saying love at first sight ?I asked you that question because the first time I saw you I fell in love with you.Can you keep it a secret?Because if nobody knows that I am making ligaw with you no one would interfere."making ligaw huh like you're some kind of conio huh!?
"Alam mo ba na there are changes in my studies, lahat ng grades ko nagimproved, pati recitation at lahat ng ito ay dahil sa aking one and only at nagiisang ikaw."ahehe, nagiisang one ang only.
Para tuloy akong may sayad dahil tawa ako ng tawa habang binabasa ko ang mga sulat na to.Naalala ko rin nung grade school,mahilig din ako magsulat nito at 'yung iba kinokopya ko sa mga letters galing sa suitor ng mga sisters ko.Wala akong pakialam kahit wrong grammar pa ito.Basta matuwa lang yung bibigyan ko, okay na ko.Naaalala ko,kahit mukha pang kinalahig ng manok 'yung sulat ko,'ung thought na nagexert ako ng effort at kahit corny o baduy man 'yung sinasabi ko ay napangiti ko yung pinagbigyan ko, masaya na ko dun.Sa panahon ngayon na sobrang advance na ng technology, we have email messaging, internet and cellphones, nakakamiss rin yung mga traditional love letters,na mas personalized,pinagpaguran at binuhusan ng pagmamamahal.=)
No comments:
Post a Comment