Sunday, August 07, 2005

Pasiyam

It's already my ninth month sa call center na pinagtatrabahuhan ko.Iilang beses ko na ring naisip na magresign dahil inassess ko ang sarili ko kung ano na ba ang naaccomplish ko sa loob ng siyam na buwan na itoMinsan nawawalan ako ng gana dahil narerealized ko na parang walang nabago.
Maganda naman daw ang performance at productivity scores ko sabi ni team captain .In fact,ilang beses na rin akong inalok na magescalation agent,pero tinatanggihan ko.Supervisory ang responsibilities ng escalation agent,pero hindi ko pa rin siya maituturing na promotion.At maraming dahilan kung bakit tinatanggihan ko ito.One,ang salary ay kapareho lang ng sa agent.Two,some escalation agents ay naappoint lang talaga at hindi based sa performance or sa stats.Although some of them ay talagang magagaling pero 'yung iba questionable talaga.Pangatlo, maraming issues sa escalation team at ayokong dumami ang kaaway ko dahil dito.Kung pagagandahin ng company namin ang image ng escalation agents,with added benefits and all, baka magbago isip ko.
One of my batchmates was promoted as OIC,its actually a position next to being a team captain.Good for him,I am happy for him .Pero napansin ko na marami ang nagtaas ng kilay.Marami ang naguluhan kung paano sila nagaappoint ng OIC.Paguwapuhan na nga lang ba ang laban?Although, magaling naman itong si "Atenista guy" pero hindi namin nafeel ang presence niya.In fact marami sa mga ahead sa batch namin ang naungusan niya.Biglang nagkaroon ng politika sa opisina, kaya nadismaya ko.Hindi ito inggit o anuman pero sumampal sa mukha ko na may palakasang nagaganap.Sa ngayon, ang motivation ko na lang talaga sa trabaho eh yung mga kaibigan ko.
Mabilis lang ang siyam na buwan at kung sakaling magiging agent pa rin ako sa susunod na siyam na buwan ay okay lang hanggang masaya pa ko sa ginagawa ko.

No comments: