Thursday, July 28, 2005

Express Ur Thoughts in 15 minutes

I have to blog real quick dahil kailangan ko na matulog so I challenge myself to type everything in 15 minutes.Timer starts now...

I am currently attending a recurrent training for communication skills.Well well well that means I will not take calls for one week.Petiks uli ,angsaya.I was planning pa naman to take my leave since nagstart na naman ako maburn out sa work na ito.Pero I decided not to, since wala namang gaanong gagawin sa training.Eion,we're having our training in Ortigas,sa GMT building besides Discovery Suites.I realized na masyado kong namiss ang Ortigas,sabi ko nga kay Shandy, my officemate gusto kong halikan ang lupa ng Ortigas pagtapak ng mga paa ko don.hehe.For one year ka ba namang nagwowork don tapos bigla kang irerelocate sa kabundukan ng Fort Bonifacio.Namiss ko 'yung mga mini stop convenience stores sa Ortigas na wala yata sa Global City,pantry sa discovery Suites,Megamall ,long walk from MRT to Ruffles pag papasok sa work at siyempre 'yung mga dati kong kaofficemates sa Vertex.I wonder kung nandun pa sila.
Sampu lang kami sa training from different teams.I am glad na si Sandro kasama ko,yung kateam mate ko na sobrang kulit.Enjoy ko naman 'yung class mukhang cool kasi 'yung trainer namin,her name is Bee.She's a Filchi at sobrang natatawa ako pag nagtatagalog siya.hirap na hirap kasi.Pero malufet magEnglish.And we're really having fun,its not like we're in a training.Bee always find a way para maging interesting at masaya 'yung class.
---
I just finished watching on DVD Korean movies Windstruck and My Crazy Love.Maganda sila pareho,although for me the best pa rin 'yung My Sassy Girl.Tapos papahiramin pa ko ni Shandy ng Il Mare,I think 'yung bida dito is yung bida rin sa MSG.naikuwento ko kasi sa kanya that I am starting to appreciate Korean films.Eh mahilig din pala siya don.So humiram agad ako, to think na sa training lang kami nagkakilala.Kapal.hehe.Pero trade naman eh hindi niya pa kasi mapanood yung Windstruck.
---
I am not gonna join Meg sa Galera this weekend.Ang budget kc kailangang istretch, I still have bills sa bahay na kailangan ko bayaran.So bye bye muna Galera getaway,maghintay ka sa Summer 2006 pupunta ko jan hehe.Layo pa nun.Anyway,kasi naman I don't think maeenjoy ko rin ang beach dahil umuulan ulan.Wrong timing.Ang masarap ngayon magstay sa bahay,magDVD marathon,kumain ng kumain at matulog habang malakas ang ulan sa labas.

---
Mukhang maganda 'yung bagong reality show ng Channel 2,Big Brothers.It's a show about a group of people na magistay sa isang bahay tapos, kukunan ng camera lahat ng ginagawa nila.Is it true na may original version nito sa US ay kinukunan talaga pati yung nagsesex?Good luck sa MTRCB.Sana I will be able to catch one of their episodes.
---
I can't wait for weekend para gumimik uli, last Saturday I was in Malate with a friend.Kung ililibre niya ko uli this saturday, sasama ako uli ako sa kanya.Hehe
---
Anyway,dahil nasuppress na ang pagkawriter ko kuno, sa ngayon I am trying to finish a short story na ipopost ko dito sa blog ko.Sana matapos ko.Abangan na lang ninyo.Cg tulog na ko.=)
---
I have not finished this in 15 minutes...angbagal ko kasi magtype at magisip ahahaha

No comments: