Alam kong masyado ng nagiging mabilis at kumplikado ang takbo ng buhay para sa akin. Alam kung hindi ko namamalayan na sa maraming pagkakataon ay nababalewala kita.Alam kung kulang ang pagpapasalamat o maging pagtanaw ng utang na loob.Sa dami ng sakripisyo mo,sa mga bagay na ginawa mo sa aming lima,makapagsusulat ako ng ilang aklat na naglalaman ng mga bagay-bagay na magaganda at dakila patungkol sa'yo.Para sa akin hindi ka man bayani,hindi ka man sikat pero walang papalit sa 'yo.Nagiisa ka.Kaya't sa pagkakataong ito,gusto kong malaman mo kung gaano ka kahalaga at kamahal para sa akin.
Dahil ikaw ang tanging naniniwala sa mga kakayahan ko.Lagi mong bukambibig ang pangalan ko sa mga kaibigan kahit mukha namang hindi sila interesado sa kuwento mo.Lagi mong ibinibida sa kanila na ako ay iskolar at marunong.Kahit pa nga sutil at pasaway.Pero natutuwa ako dahil proud ka sa akin.
Dahil tinitiis mo ang pagdadahilan ko na nagmamadali ako at sa office na lang ako kakain.Pero ang totoo hindi ko nagustuhan ang luto mo.Kaya nung minsan sinabi mo,hindi mo na alam kung ano ang lulutuin mo,baka hindi ko rin naman magustuhan.Alam kung nasasaktan ka dahil parang hindi ko naapreciate nag effort mo.Lagi mo ring inaalala kung masarap ba ang ulam o hindi.Matiyaga kang nagluluto.Kahit pa pintasero ako pagdating sa pagkain.Pero sana alam mo na lagi kong ipinagmamalaki sa mga kaofficemate ko na luto mo ang baon ko.
Dahil sa pagbili mo sa mga pagkaing gusto ko kapag may sakit ako.Kahit pa kung magutos ako parang may katulong ako sa bahay.Pero talagang napakasarap ng feeling na kapag may sakit ka ay may nagaalaga sayo.
Dahil pinagkakasya mo yung kakarampot na binibigay ko sa'yo pag araw ng sweldo.Kahit pa inuuna ko yung luho ko kesa makapagbigay sayo ng mas malaki.Pero yung ngiti na nakikita ko kapg nakapagbigay ako ng kahit na maliit na halaga ay nagpapamotivate sakin na magsipag sa trabaho.
Dahil matiyaga mo kong hinihintay kapag lumalabas ako sa gabi.Kahit pa lagi kong dinadahilan na lalaki naman ako at matanda na.Pero hindi ka nagsasawa na maghintay at hindi matulog malaman lang na safe ako dumating.
Dahil pinalaki mo kaming lima na may takot sa Diyos,edukado,may respeto sa kapwa,marunong tumanaw ng utang na loob at makisama sa kahit na anong uri ng tao.Kahit na ang iba sa amin ay talaga namang pasaway ang paguugali.Pero ni minsan hindi ko nakita na may paborito ka o pinapanigan sa amin kapag may nagkakamali.
Dahil nagampanan mo ng mabuti ang papel mo.Sabi nga ng matalik kong kaibigan na si Christian,sana naipapalit ang Nanay dahil kung puwedeng mamili ikaw ang pipiliin nya.Noon ko narealized kung gaano ako kapalad dahil ikaw ang pinili ng nasa itaas para maging Nanay ko.
At sa araw na ito, na alam kong napakahalaga sa'yo,binabati kita kita ng maligayang kaarawan.Nawa'y biyayaan ka pa ng mahabang buhay ng nasa Itaas.MAHAL NA MAHAL KITA NANAY.=)
No comments:
Post a Comment