Sunday, July 10, 2005

Umuwi ka na baby



Meg,my team mate has been looking for the title of this song and finally I got the chance to hear that song kanina sa FX on my way home from Megamall.Orange and lemons ang pangalan ng band,I haven't seen the music video yet.Natutuwa lang ako pag kinakanta to ni Meg specially yung line na "Umuwi ka na baby...".Cuteness. So I looked for the lyrics sa google kanina and hindi pala umuwi ka na baby ang title ng song gaya ng akala ko.The title is Hanggang kailan from the album Strike Whilst The Iron Is Hot.Pansin ko,madami na namang promising bands ang lumalabas.I hope one of these days mapakinggan ko lahat ng album nila this band Orange and Lemons.Masa yata ang market nila, pansinin nyo yung lyrics.


HANGGANG KAILAN
Orange and Lemons
Labis na naiinip
Nababagot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa...
Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap hanap kita...
Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng Paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi...

Di mapigilang mag-isip
O baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakaka balisa
Knock on wood wag naman sana...

Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap hanap kita...

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng Paghihirap
At tanging ikaw lang ang Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi...

[instumental...]
I went to SM Megamall kanina to use the 1000 Bench GC na nakuha ko because of commendations from some customers.At least may mga nauuto pa pala ako .I got myself one cream shirt,one polo shirt with black and white stripes,Pure play that cologne being endorsed by Xtian Baustista,one bench body brief and oil absorbent tissue.Not bad.For one thousand angdami ko nang nabili,este naipalit pala haha.Nagikot ikot pa ko sa Megamall,kaya naman nakauwi na ko ng 3pm dito sa bahay.Sobrang sakit na ng paa ko at pagod na ko pero nagawa ko pang maginternet so mga 5pm na ko nakatulog.Nagising na ko ng 1am.Hindi na ko nakapagdinner,inabot na ko ng umaga.Balak ko pa naman yayain si Bes na gumimik dahil parang nanunuyo na lalamunan ko, kailngan na yata ng alkohol kaso sobrang pagod talaga ko.At ngayon alas singko na ng madaling araw ay gising pa rin ako to think nakailangan naming umalis ni Nanay ng alas 8 dahil pupunta kami sa brother ko sa Valenzuela,doon magkikita kita ang mga magkakapamilya at magkakapuso,este ang mga kapatid ko.Birthday kasi ni Nanay sa July 11,monday so maglulunch nalang kami today sa Chinatown sa Binondo,chinese restaurant daw sabi ng sister ko.Sana lang maenjoy ko yung food nila dun,although kumakain ako ng siomai,pansit,pero ung iba kasi pagkaing Tsinoy walang appeal sakin.Pero bahala na walang chinese chinese food mamaya, sa gutom na sikmura.Aba rhyme ito.Lafang ito kung lafang.Aja.hehe.

No comments: