Went home from work early today.Its not the usual Monday in the sense that call volume was pretty low,(isa itong himala)and I had no sup call last night because I manage to pacify them.I just tell them to shut up.Kidding.'Yung dating "lunok lang laway ang pahinga" eh kagabi pwede ka ng tumingin sa katabi mo ng mga dalawang minuto.
Hindi na ko nagovertime kanina.When I got home, i immediately opened my PC 'cause I have to fix my blog's template for the nth time.To my surprise I don't have Internet load already.Dyaran.Bummer.So tulog na lang ako.
Tulog.Tulog.Tulog.
So ano nga bang pinagkakaabalahan ko aside from blogging galore?
I have been reading Bob Ong's "Ang Paboritong Aklat ni Hudas."I am already on the 79th page pero so far hindi pa ko naaliw.Mas maganda pa rin yung first two books,ABNKKBS N PL AKO and Bakit baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?Anyway nasa dulong pages pa siguro yung mga punchlines ni pareng Bob Ong.Hihintayin ko na lang.
I watched Audrey Hepburn's Breakfast at Tiffany's last night.Ayoko na magpakafilm critic na naman ngayon.Carry lang yung movie.Basta ang masasabi ko lang Audrey Hepburn is one of the prettiest faces in Hollywood.The way she dress up and carry herself,walang kaeffort effort.And maganda yung "Moon River" na song nung movie.Don't ask me if the movie is good or not.
Meg invited me to go to Galera on the 30th.Two days daw together with some of her friends.I said I'm interested to join.Pero wrong timing talaga 'tong c Meggy.Kung kailan bumabagyo na and everything saka napagtripan ng lola mo na magbeach.Sabi nya bagyo or raining,tuloy daw.May sayad yata 'to eh.Anyway I might join na rin siguro,tutal I have never been to Puerto galera.
Oist nga pala, about our angel,may pangalan na siya.Her name is Sofia Annica.Kung saan nakuha ng sister ko ang name nung bata ay hindi ko alam.Cute naman yung Sofia na name eh.Pero angel pa rin ang itatawag ko sa kanya not that I like Angel Locsin, haha pero she's really an Angel for me.
I really needed a break.Balak ko na magfile ng VL.Gusto ko sana pumunta ng baguio kaso nakakalungkot.ano ko magisa lang pupunta 'dun..Baka mabagsakan lang ako ng landslide.Paranoid haha.Umuulan ulan pa.Lungkot.Bakit kaya tuwing umuulan,iba 'yung sadness na nararamdaman mo.Totoo yung nasa blog ni badinggerzie.About the rain galore.haha.May kakaibang sadness.
Plugging:Nga pala to those reading my blog visit the blog of badinggerzie.Aliw yung blog na yun.I have been looking for a blog na ganun matagal na,minsan na akong naaliw sa blog ni Chona mae banaag kaso huminto na magsulat yung writer.:(.Anyway for kabadingan and everything just go hit the link ayt ni badinggerzie?Para kang nanonood ng stand up comedy ,promise with kaunting kadramahan on the side.Aliw.
So ayun, wala na kong masasabi.I better post this now bago pa magloko yung blogger.Ilang beses na rin akong nabiktima na pagkakahaba haba ng tinype ko tapos biglang nagloko yung blogger,goodbye na lang sa mga memories ng mga sinulat mo.
'Yun lang po maraming salamat.Sa uulitin.
Toinks.
No comments:
Post a Comment