Buong akala ko talaga ay sa Binondo kami kakain kahapon.At naisip ko na isang Chinese restaurant ang kakainan namin.Ang alam ko lang kasing Chinatown eh yung nasa Sta Cruz Manila.Hindi pala ito ung Chinatown.Ang sinasabi pala ng kapatid ko na Chinatown ay isang buffet restaurant na nasa Banaue QC.Eat all you can ang gimik nila.At hindi lang Chinese food ang putahe, may japanese at Filipino din.Pero parang napamahal yata kami,430 per person kasi.Eh hindi naman ako kalakasang kumain.hehe.Pagkatapos ay may dalawa pa kaming batang kasama.
Pagdating namin doon ng ala una,napakarami ng tao.Parang may piyesta.Nagpareserve na kami ng isang table para sa buong pamilya.Kailangan kasi ng reservation dito dahil sobrang daming tao lalo na pag Linggo.Hindi pa nagiinit ang puwet ko ay sumugod na ko sa buffet table.Napakaraming pagkain,70 putahe ba naman.Balak kong tikman lahat.Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan nung iba nakahain sa mesa.Basta alam ko mukha silang masarap.May para sa mga carnivorous, vegetarian at para sa tulad kung kumakain ng kahit ano.Omnivorous ba tawag dun?Basta alam ko masiba ang tawa sa'kin ng kapatid ko.Minsan naman PG ang tawag nila sa kin.haha.
Takaw tingin lang talaga ako.Yung iba kasi, napakasap tignan,pero pag natikman mo wala namang lasa,maganda lang talaga ang food presentation.Halos mapuno ko ang pinggan ko pagbalik.Kalahati pa lang ng plato ang nauubos ko ay busog na ko.Balak pa naman namin magcompete ni Kuya sa pagkain.Kaya't nung tinignan ako ng kuya ko,biniro nya ko na "No sharing at no leftover" kung hindi ay doble ang babayaran namin.Sinabi kong nagpakabihasa ako sa Harvard para sa kursong dishwashing.Mabuti na lang katabi ko ang pamangkin ko na limang taon lang pero pang malaking tao na kung kumain.Kaya kahit pa no sharing ay pinaghatian naming dalawa yung kinakain ko.Sulit na sulit talaga yung binayad namin sa pagkain nya.Sa pagitan ng kainan,kuwentuhan kami na magkakapatid pati na nung dalawa kong bayaw.Ito ang bonding naming lima,ang pagkain.Dito lahat kami nagkakasundo.Si nanay kasi mahilig magluto.Pero ayaw na namin syang pagurin ngayon.Dati kasi sa Bulacan madalas magmeet ang buong pamilya.Doon na rin ang kainan, inuman at lahat lahat.
Tatlo na ang pamangkin ko at puro sila babae, si Nica, Detdet, at Nicole.Ang pinakahuli naming baby ay itong si Nicole.May balak yatang magampon yung isa kung kapatid na babae.Matagal na kasi silang walang anak nung bayaw ko.Ikukuwento ko ito sa susunod na post ko.
Pagkatapo ubusin ang pagkain sa plato,sunod naming nilantakan yung mga panghimagas marami din,may icecream,halohalo,mais con hielo,leche plan,sari saring cookies at iba pa.Kaya't busog na busog talaga ko.Sabay na kami umuwi ni Nanay,malas pa nga ang nasakyan naming FX,nakotongan na nga ng MMDA enforcer,naflatan pa ng gulong sa gitna ng North Lluzon expressway.Nakauwi kami ng bahay ng alas tres,nagpagupit muna ako at pagkatapos ay natulog na.gawain ng batugan at masisibang tulad ko ahehe.Pero iyon na yata ang huling eat all you can na kakainan ko.Marahil sa mga ispesyal na okasyon lang.Masasabi ko pa rin na hindi sya praktikal,sa hirap ng buhay ngayon.
That's how I spent an enjoyable weekend with my family.How about you?
No comments:
Post a Comment